Chapter 16

526 17 1
                                    

Chapter 16
Leo’s POV

“Hindi pa ako handang mamatay.”sambit ko kay Pulo na napahawak pa sa kaniya nang magsimulang umandar ang sinasakyan naming eroplano. Ang private plane ng pamilya nila. Tinawanan niya naman ako rito. Ramdam ko rin ang pagkabingi dahil do’n.

“Ayaw mo kasing maniwala sa akin.”aniya na naiiling pa habang pinapakita ang bubble gum na iniaabot niya kanina. Inirapan ko naman siya dahil dito kaya bahagya lang siyang napatawa.

Nang maging stable na ang andar, saka lang din ako nakalma sa upuan ko. Ang dami agad pagkain na iniaabot sa amin. Inabala ko naman na ang sarili roon, kasabay pa ng pangungulit ng katabi kong si Pulo. Ang kulit din kasi talaga ng isang ‘to. Buong byahe, tulog, kain at kwentuhan lang ang ginawa namin. Tirik na tirik din ang araw sa new york dahil summer dito.

Lumawak agad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga tao rito.

“Kapag nakahanap ako ng foreigner dito. Mapapasalamat, Pulo, na lang talaga ako.”bulong bulong ko pa sa sarili kaya pinitik ni Pulo ang noo ko.

“Stop thinking about nonsense. Asa ka pa.”aniya sa akin kaya natawa na lang ako at napakibit ng balikat.

“Hoy, bukod sa maganda ako at may sexy ding katawan, madiskarte ako kaya hindi malabo!”sinamaan niya naman ako ng tingin doon.

“I know. Ang akin, asa kang hahayaan kita.”aniya kaya inirapan ko na lang. Daming alam. Aba’t nandito na ako, tatanggian ko pa ba ang oportunidad na makapag-asawa ng foreigner?

“I don’t like that look in your face.”anang pabidang si Pulo. Hindi ko naman maiwasang tawanan siya at pagtaasan ng kilay.

“Lolo mo don’t like.”natatawa kong saad na inirapan pa siya. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

“Mabuti na lang marunong akong mag-ingles.”nakangisi kong saad kaya nginiwian niya ako at hinila pa.

“May lahi rin naman ako—”

“Lahing tanga.”agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. Napatawa na lang ako at napakibit ng nalikat. Inalis ko naman na ang suot kong jacket kanina habang nasa private plane kami. Malapad lang akong napangiti kapag may mga nadadaanang gwapo at mga sexy’ng babae. May gwapo rin naman sa tabi ko ngunit may sakit nga lang. Kalandian.

“Ganda, gagi. That ass halatang kaya kang—“bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, pinitik na ni Pulo ang noo ko. Masama ko naman siyang tinignan dahil do’n.

“Seriously? Are you perhaps Bi or Lesbian?”tanong niya sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat doon but no. I’m not. I just like those who have thick thigh and big ass. Although everyone have their unique things. They are all pretty just the way they are.

That’s just my preference. Don’t mind me.

Kita ko naman ang tingin niya sa akin habang nanliliit ang mga mata. Nag-aasaran lang kami hanggang sa makarating sa hotel na pagtutuluyan. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya nang magtagal siya sa reception, kausap ‘yong magandang babae roon.
Ang ganda niya. Mukha siyang supermodel. Well, dami talagang chix dito kaya ‘di na ako magtataka kung maunahan pa ako ni Pulo.

Maya-maya lang ay lumapit na ito sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay nang lumapit sa akin.

“Ano? Landi nito,”natatawa kong saad sa kaniya kaya agad niya akong inirapan.

“What’s your problem?”tanong niya sa akin. Natatawa naman akong umiling dahil do’n.

“Are you jealous?”tanong niya na nakangisi pa sa akin.

Flash News: Paparrazi InloveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt