Chapter 15

513 13 0
                                    

Chapter 15
Leo’s POV

“What happened?”kuryoso kong tanong nang makarating sa kung nasaan si Daren ngayon. He looks really devastated, tama ang desisyon kong baunan siya ng alak.

“I don’t know… I just don’t know what to do, Leo. My life is really a mess right now. Pinalayas ako. And heck, my grades are falling… I can’t afford to fail, last na ‘to, Leo… bumagsak na ako noon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung babagsak pa muli ako.”agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang rebelasiyon niya.

“Hindi ko masabi kina Patrick, you know I hate it when someone sees me in my lowest.”saad niya. Alam ko ‘yon. Hindi niya rin gustong kinakaawan siya. Anak siya ng isang senator ngunit may iba’t ibang kabit din ang isang ‘yon. Malinis ang labas ngunit kapag tinignan mo na ang loob, ang dumi. Napakadumi.

“They don’t even know that I’m staying here.”aniya pa. Napaawang naman ang labi ko roon.

“Sorry, ikaw lang ang pumasok sa isip ko. Para na akong sasabog kung wala akong masasabihan.”ngumiti naman ako sa kaniya roon.

“What our friends for, right?”

“Thank you, Leo…”pabulong na saad niya nang matapos niya ang kwento kung bakit siya pinalayas. Nagkasagutan pala sila at napahiya ang senator sa kaniyang mga kaibigan. Hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan na dumating sa puntong pinalayas pa siya.

“Kumain ka na ba? Wala akong maadvise dahil hindi ko rin alam pero may pera ako pangkain. Pangdagdag lang ng laman sa tiyan.”ani ko na ngumiti sa kaniya. I’m good listener but not really a good counselor. Natawa naman siya dahil sa akin tinuran, napangiti na lang ako sapagkat ngumiti rin ito.

“Tara?”tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at sumunod sa akin palabas ng hide out nila.

“Or pwede ring isanla mo na lang ‘yang motor mo, imposibleng itakwil ka ng Papa mo. Pababalikin ka rin no’n.”suhestiyon ko pa sa kaniya. Wala talaga akong matinong masabi. Bahagya naman siyang natawa dahil sa tinuran ko.

“It’s fine, it will be probably just a few days bago niya ako pauwiin. May pera pa naman ako although talagang nagawa niyang ifreeze ang account ko.”nakanguso nitong saad. Nasa law school kasi ito kaya nag-aaral pa. Balak din atang patakbuhin ng Papa niya sa senado. Papalit sa kaniyang yapak.

“Nagreview ka na ba?”tanong ko sa kaniya. Tinaas niya lang ang mga papel na nandito rin sa loob ng hideout nila. Ngayon ko lang napansin ang mga ‘yon.

“Hindi ko alam kung anong uunahin.”aniya na napasabunot na lang sa kaniyang ulo. Dinig ko pa ang biglaang pagtunog ng kaniyang tiyan kaya naman mahina akong napatawa.

“Ang dapat mong unahin? Kumain!”natatawa kong sambit bago tumayo at inilahad sa kaniya ang kamay. Nakangiti niya naman ‘tong tinanggap ngunit kita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalala sa kung ano. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya hinila ko na lang siya at iniabot ang helmet. Dinala ko na lang din siya sa isang fastfood sa malapit.

“Is it really fine?”tanong niya sa akin.

“Oo naman, tara.”sabi ko na ngumiti sa kaniya. Ang dami niyang naitulong sa akin, ito pa kaya simpleng bagay lang na ganito?

Mabilis lang din naman kaming kumain at bumalik din agad sa hide out para makapagreview na siya. Hindi ko alam kung paano niya naaaral ‘yang law na ‘yan, tinitignan ko pa lang, para ng sasabog ang utak ko. Tinulungan ko lang siyang ayusin ang hide out para naman makapagreview siya ng maayos. Nang matapos ako’y magpapaalam na sana ako sa kaniya kaya lang ay agad niya akong nahawakan sa palapulsuhan.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now