Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kilig kaya!"

"Saan banda?!" iritang tanong ni LJ.

Biglang natahimik yung dalawa nung pumasok si Seb and Mona sa classroom.

Actually, buong klase natahimik nung pumasok yung dalawa. All eyes are on them.

"Yung inumin mo," sabi ni Seb kay Mona at may iniabot siyang mineral water dito. Kinuha naman ito ni Mona, "thank you!" masiglang sabi nito at dumiretso na siya sa pwesto niya.

Sumalampak naman si Seb sa upuan niya, and then again, lumingon siya sa pwesto ko at nagtama ang mga tingin namin.

Napaiwas ulit ako ng tingin.

Ano ba yan! Ilang beses ba niya ako mahuhuli na tinitignan siya? Mamaya isipin niya interesado ako sa love life niya! May pagka assuming pa naman ang isang 'yan.

Bakit ba kasi siya tingin nang tingin dito?!

~*~

Nag bubulungan na naman ang mga kaklase ko dahil may bago na namang nangyari.

History subject, pinapunta kami ng teacher namin sa mga respective groups namin. At dahil bagong salta si Mona dito, wala siyang ka grupo.

Our teacher asked us sino willing mag ampon kay Mona. Lahat ng groups nag volunteer—maliban sa amin.

Actually, ineexpect ko na magtataas din ng kamay si Seb, pero parang wala siyang pake. Nakapangalumbaba lang siya at nakatingin sa labas ng bintana habang pinag aagawan ng mga kaklase namin si Mona.

Kaso hindi naman pala talaga kailangan ni Seb mag taas nang kamay kasi nung tinanong ulit ng teacher namin si Mona if anong group gusto niya, she choses us.

And that's how she ended up seating in between me and Seb.

"Hi, please take care of me. Promise may ambag ako na ka group," masigla niyang sabi.

"Anong skin care mo?" tanong naman sa kanya ni Chichi. Mahinang hinampas ni LJ si Chichi sa braso.

"Di mo kailangan sagutin yon," sabi naman ni LJ at inabot niya ang phone niya. "Kuhanin ko lang number mo and facebook para pwede ka namin i-contact sa project. Sali ka na rin namin sa gc."

Napaisip ako bigla, may group chat ba kami? Parang wala naman kaming gc.

Kinuha ni Mona ang phone ni LJ at nilagay niya doon yung number niya. "Inadd ko na rin facebook ko," nakangiting sabi ni Mona.

"Instagram meron ka?" tanong ni LJ.

Tinignan ko na siya at pinanlakihan nang mata.

"Natanong ko lang," bawi naman ni LJ.

"Add kita sa IG!" sabi naman ni Chichi.

"Sure no problem! Para friends na tayo!" masiglang sabi ni Mona at nagpalitan na sila ng mga Instagram usernames.

"Ikaw Iris?" tanong sa akin ni Mona.

"Wala akong IG."

"Bakit? Gumawa ka na rin dali! Masaya sa IG!" then lumingon siya kay Seb. "Ikaw Seb?"

Inabot ni Mona yung phone niya kay Seb at mukhang hinanap ni Se bang Instagram account niya using Mona's.

Nagulat ako. May Instagram pala ang isang 'to? Yung aurahan niya kasi parang hindi gagawa ng social media eh.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon