60

12.4K 707 131
                                    

A/N:Hindi na ako nakakapag ud sa TOGOSE Part 2,naaadik na kasi ako dito. HAHAHA!

Zemira's POV

Nang umalis na ang mga tito ni Ethan ay napaupo ako sa table ni Sir Brandon. Hawak ang kanang binti na dumudugo at nagpakawala ng buntong hininga.

Agad na lumapit sa akin habang umiiyak at niyakap ako."Bakit hindi mo sinabi sakin?"may inis sa boses ko ng tanungin ko iyon.

Umiyak sya."Kapag nagsumbong daw ako sa kahit na sino,papatayin daw nila ako...p-pati kayo at i-ikaw"umiiyak nitong sabi habang mahigpit ang yakap nito sa akin."K-kakayanin ko l-lahat para s-sa i-inyo wag lang k-kayo m-madamay"
Parang may kung anong kumirot sa puso ko ng marinig ang sinabi ni Ethan.

Bumuntong hininga ako bago hawakan ang ulo nito at guluhin ang itim nitong buhok.

"Okay..tahan na"sabi ko.Lumayo naman sya sakin at nagpunas ng luha.Napangiwi pa ako ng magpacute pa ito sa akin habang nagpupunas.

"Zaina,may gudo binti mo"sabi nya habang nakatingin sa binti kong nadugo.
Bumaling ako sa sahig.Ang daming dugo ng sahig.

Agad na lumapit sa akin si Lucas na may hawak ng first aid kit.Umupo ito sa baba at  nilabas ang mga bulak at kung anong keneme na panggamot.

"Let me clean your wounds"sabi nito.

"Ano pa nga ba..."buntong hiningang sabi ko bago itaas ang palda ko.Agad na bumungad sa kanila ang maputi at makinis kong balat.

Tips para kuminis at pumuti ang kutis.
Erew-erew melege.

Nakita kong napatitig si Lucas sa sugat ko bago kumunot ang noo."Hindi gagaling yan kung tititigan mo yan,Lucas" natatawa kong sabi bago sipain ng mahina ang paa nya.

Agad naman syang nag-iwas ng tingin bago asuhin ang mga kineme na panggamot.

"Aray"daing ko ng malapatan nya ng bulak ang sugat ko.Taka naman syang nag-angat ng tingin sakin.

"Wala pa"inosenteng sabi ni Lucas dahilan para magtawanan ang mga hunghang.

"Ay wala paba"sabi ko.Pahiya.Umiling lang sya habang nakanguso.

Medyo bumaba ako at hinawakan ang magkabila nyang pisngi bago itingala sa akin.Gulat naman syang tumingin sa akin habang medyo namumula ang pisngi nya.

"Ang cute mo pala"sabi ko.Pinisil ko ang magkabila nyang pisngi."Hmm!Nanggigigil ako sayo!"sabi ko habang pinanggigigila ang pisngi nyang malambot.

Ang kaninang medyo mapula nyang pisngi ay namula na ng todo.Nagtaka ako pero hindi kona pinansin.

Binitawan kona ang pisngi nya at hinawakan ang buhok nya bago guluhin iyon.

"Magkasing lambot pala kayo ng buhok ni Luke..."sabi ko bago bitawan ang buhok nya.

Nag-iwas ng tingin si Lucas pero bago sya umiwas ng tingin ay lumunok iyon sa di ko alam na dahilan.Namumula narin ang mukha nito.

"Gamutin mona sugat ko,Lucas. Pupuntahan kopa si Flynn"sabi ko.

Kumunot ang noo nya."Bakit mo pupuntahan si Flynn?"may inis sa boses ni Lucas habang ginagamot ang sugat ko. Nakakunot rin ang noo nito.

"Magrereview pa kami ni Flynn sa library sa friday na kasi ang contest kaya kailangan namin magmadali sa pag rereview"sabi ko bago ngumuso.

Malamang na naghihintay na sakin yon.

"Zaina"pagtawag sa akin ni Ethan.Mabilis ko syang nilingon habang malaki ang ngiti.

"Yes?"

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now