25

15.7K 774 119
                                    

Zemira's POV

"Nagvovlog pala dati si Ethan" sabi ko habang naghahanap ng libro sa mga shelves, nandito ka kami ngayon sa book store.

"Yes, before" sagot ni David habang nakasunod sa akin at pinapanood ang bawat galaw ko. Napatango-tango naman ako.

"Bakit sya tumigil?" tanong ko. Hindi kaagad sya nakasagot kaya taka ko syang tinignan. Nakatingin sya sa akin habang may pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga ako bago ngumiti."Okay lang kung hindi mo sagutin, i think it's private e" sabi ko bago muling bumaling sa mga libro.

Sinimulan ko muling maglakad lakad habang pinapadaus-os ang aking hintuturo sa mga librong nadadaanan ng aking daliri. Agad akong napangiti ng makita ang isang libro na pinaka paborito ko sa lahat.

Agad ko itong kinuha dahilan para mapangiti ako ng malaki at makita ang kabuuan nito.

Charm Academy:School of Magic......

Humarap ako kay David na nakatingin sa akin. "Kelan ang birthday ni Ethan?"

"June 18, why?"

Kung June 12 ngayon, ibig sabihin isang sa isang linggo na ang birthday nya.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Wala" nginitian nya lang ako at tumango.

"You two! Are you done blabbering on!?" Agad akong napabusangot ng marinig ko ang galit na boses ni Spade the angry bird mula sa kabilang bahagi ng store.

Sabay kaming napalingon ni David. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa aming dalawa ni David.

Napabuntong hininga si David bago ako nilingon."You done?" tanong nya.

"Ahuh" sabi ko sabay ngiti. Nginitian nya lang ako bago tumango at gumilid para paunahin akong maglakad.

Habang papalapit ako ng papalapit sa gawi ni Spade at pasama ng pasama ang timpla ang timpla ng mukha nito.

Problema nanaman nito?

Napatingin ako sa buhok nya. Iniwasan kong mangiti sa harapan nya dahil hanggang ngayon ay nakaipit parin sa kanya ang inipit ko sa buhok nya kani-kanina lang.

Ppfftt.

Nang masalubong ko ang tingin nya ay lalong nagsalubong ang kilay nya."What?" Inis nyang tanong.

Nginitian ko lang sya bago ilingan at lagpasan.

Napatingin ako sa entrance ng book store ng may pumasok na limang lalaki na malalaki ang katawan at mga nakaitim.

Itim na t-shirt, pants, shades, shoes. Tapos balat nila itim.

Gagi! HAHAHAHA!

Agad akong napangiti sa naisip ko bago umiling ng umiling. Siraulo!

Hindi kona lang pinansin ang mga bagong pumasok at pumunta nalang ako sa dulong dulong bahagi ng book store, kung saan walang pumupunta, dito ko kasi kadalasang nakikita yung mga librong binabasa ko kaya dito ako lagi nagpupunta.

Naghahanap lang ako ng naghahanap ng may maramdaman akong presensya sa likod ko, nang malingon ko ito ay dalawa sa mga lalaking nakaitim at maitim ang nakita ko.

"May kaylangan ho kayo dito?" magalang kong tanong. Nagkatinginan yung dalawa.

Magsasalita sana yung isa ng may magsalita sa likudan nila at tinawag ang pangalan ko.

"Zaina, you're just here, we thought you left" pagtingin ko ay si Lucas Pala. Lalapit na sana sya sakin ng mapatingin sya sa dalawang lalaki na nasa harapan ko, ngunit hindi sya nililingon ng dalawang lalaki. Bumaling muli si Lucas sakin. "Zaina, let's go we're leaving na"

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora