14

15.6K 790 64
                                    

Zemira's POV

"Good morning class" nakangiting bati sa amin ni Mrs.Reyes.Taka naman kaming nagkatinginan ni David at Ethan na halatang wala ring alam sa nangyayari.

Kunot noong bumalik ang tingin samin kay Mrs.Reyes na nakangiti parin sa amin.

May milagrong nangyayari!

Iginala nya ang tingin sa aming lahat ng nakangiti hanggang sa magtama ang aming paningin ni Mrs.Reyes.Lalong lumapad ang ngiti nito ng magtagpo ang aming paningin.

Taka ko naman itong tinignan.

"Zemira Zaina Everleigh" tawag nya sa buo kong pangalan habang nakangiti.Lalo namang nangunot ang noo ko.

Anong nangyari kay Mrs.Reyes?

"Yes,Mrs.Reyes?" Kahit nagtataka at sumagot ako.Lalo namang lumapad ang ngiti nito na ikinangiwi ko.

Creepy.

"Come here" Nakangiti na sabi nito at iminuwestra ang kamay sa akin.

"Ho?"

"Come here" pag-uulit nya.Nilingon ko si Ethan pero nakangiti lang sya sakin at nag thumbs up.Kahit nagtataka ako ay tumayo nalang ako at pumunta sa unahan.

Nang makalapit ako ay agad nya akong hinapit papalapit sa kanya na Ikinagulat ko.Hinarap na ako sabay hawak sa aking magkabilang balikat sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa na ikinailang ko.

Lalo namang lumapad ang ngiti nito.

Ang creepy talaga!

Nilingon ko si Ethan ng may nag-aalangan na tingin pero nginitian nya lang ako sabay thumbs up.Tinignan ko rin si David pero nginitian nya lang ako ng tipid at tinanguan na lalong ipinagtaka ko.Ganon din ang ginawa ng iba ng tignan ko sila.

Naramdaman ko na hinawakan ni Mrs.Reyes ang aking pisngi at iniharap ang aking mukha sa mukha nya.

"Mrs.Reyes,ano ho bang nangyayari?" Takang tanong ko.Ngunit isang ngiti lang ang isinagot sakin nito na lalong ipinagtaka ko.

Ang we weird nila.

Medyo lumayo sya sakin ng kaunti habang hawak hawak ang kanyang baba at tinignan akong muli ako mula ulo hanggang paa na ikinailang ko uli.

"Maganda ang height" sabi nya habang tatango-tango."Maganda ang mukha.Maki
-nis ang balat"sabi nyang muli habang tatango tango na pinagmamasdan ako.

Ano bang pinagsasasabi nito?

"Hubarin mo ang blazer mo" Utos nito sa akin na ikinataka kong muli.

"Ho?"

"Hubarin mo ang blazer mo"

"Bakit ho?"

"Basta hubarin mo"kahit nagtataka ay hinubad ko ang blazer ko.Lumantad ang kulay puting uniform ko at kulay grey na neck tie ko.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon