51

12.2K 667 85
                                    

Zemira's POV

"Thank you!"ngiting-ngiti kong sabi pag kababa ng kotse ni Luke.Hindi nya kasi ako sa school dahil sa amin sya natulog kagabi.Bumusangot ako ng tanguan nya lang ako at pinaandar na ang sasakyan paalis.

"Good morning"agad akong napatingin sa may likudan ko ng marinig ang boses ni Lucas.Ngumiti ako ng makita ito.

"Uyyy Lucas,good morning"ngiting-ngiti kong sabi habang naglalakad kami papasok ng University.

"You look so happy"sabi nya bago ako lingunin.Nilagay nya ang isang kamay sa bulsa ng slacks nya at ang isa naman ay nakakapit sa strap ng bag nya.

Ngiting-ngiti ko syang nilingon."Syempre!
Nanoood kami ni Luke e"sabi ko bago tumawa dahilan para mapatingin sa akin ang ibang estudyante pero hindi ko sila pinansin.

Happy ako ngayon kaya wag nila akong badtripin.

Habang naglalakad kami papuntang class room ay tinanong ko si Lucas."Marunong ka bang kumanta,Lucas?"tanong ko sabay baling sa kanya.Nangunot ang noo nya bago tumingin sa akin.

"Yes.Why?"kunot noong tanong nito.

Pumitik ako sa hangin habang ngiting-ngiti."Sakto!Hehe!"bumaling uli ako sa kanya."Lucas,pwede favor?"sabi ko habang nagpapacute.

"What is it?"

"Diba marunong kang kumanta?" tumango sya."Pwede bang duet tayo sa kanta na kakantahin ko dapat ng solo sa surprise namin?"sabi ko habang nag papacute.

Kunot na kunot ang noo nya habang naka tingin sa akin kaya naman lalo kong nilakihan ang ngiti ko.

Baka di pumayag eh!

Matagal itong tumitig sa akin at hindi sumagot.Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa pagka pahiya.Pero agad din akong ngumiti sa kanya pero pilit nalang.

"Sige.Okay lang kung hindi.Ayos lang naman sakin e"pilit ngiting sabi ko."Sige, ha?Una nako.May sasabihin pa ako kay Ethan at Liam e"tatakbo na sana ako ng hawakan ni Lucas ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya."Bakit?"
Nakangiti kong tanong.

Bumuntong hininga ito bago ngumiti at salubungin ang tingin ko."Fine"biglang nanlaki ang mata ko.

"Talaga?"gulat kong tanong habang nanlalaki ang aking mata.Mahina itong natawa bago tumango-tango."Kyaaaa!" Sabi ko bago ako lumapit sa kanya at niyakap sya.Naramdaman ko na nagulat sya pero hindi kona iyon pinansin dahil sa tuwa ko.

Finally!Hindi na ako mahihirapan!

"Thank you!Thank you!Thank you!" Sunod-sunod kong sabi habang magkadikit ang aking mga palad habang ngiting-ngiti akong nakatingin sa kanya.
"Thank---"natigilan ako ng makita kong nakatulala lang sakin si Lucas."Okay ka lang Lucas?"tanong ko ng mapansing nakatulala lang ito sa akin.

Kumurap-kurap pa ito bago umiling-iling at iiwas sa akin ang tingin na ikinakunot ng noo ko.

"Y-yeah.I'm fine"sabi nito habang hindi sa akin nakatingin sa akin na lalo kong ikinataka.Napansin ko rin ang pagpula ng pisngi nito.

"Parang hindi ka kasi okay e."napatingin sya sakin."Namumula kasi yung pisngi mo"sabi ko habang nakaturo sa pisngi nya.

"Wag monang pansinin.Baka lalong pumula"sabi nya sabay ngiti pero hindi sya sakin nakatingin.Lalo naman na nangunot ang noo ko.

Weird nya.

"Huh?"kunot noong sabi ko habang naka tingin sa kanya.Nilingon nya ako at ngumiti.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon