41

12.9K 742 60
                                    

Zemira's POV

Biglang tumaas ang kilay ko sa aking narinig.

"Kelan pa?"mataray na mataray na tanong ko habang sobrang taas na ng kilay ko.

"Since we first met"seryosong sabi ni Jacob.Nakayuko lamang si Leila pero hindi nakatakas sa akin ang palihim na ngiti nito habang naka kagat sa labi nito.

Kilig ang gaga!

Tumaas uli ang kilay ko ng higitin palapit ni Jacob si Leila dahilan para magdikit sila."Gusto ko syang ligawan"tumaas ang kilay ko."Hindi pa sya pumapayag na ligawan ko sya dahil gusto nyang magpaalam muna ako sayo"seryosong sabi nya.Tinignan ko si Leila pero nag-iwas lamang ito ng tingin at bahagyang namula.

Napangiwi ako.

Guys,inggit ako!!!

"Let me court her"seryosong sabi nito. Nakipagtitigan muna ako sa kanya bago sya ang unang umiwas ng tingin.

Tsaka ko naalala yung ginawa nya sakin nung unang pasok ko palang sa section nila.Hinila nya yung bangko ko dahilan para bumagsak ako sa sahig at sumakit ang pwet ko nun.

"Ayoko nga"sabi ko sabay ngiti sa kanya ng nakakaloko.Bigla nya akong nilingon ng mabilis habang nakakunot ang noo.

"But why?"kunot noong sabi nito.

"Naalala mo ba yung unang araw na pumasok ako sa section nyo?Hinila mo kaya yung bangko ko na dapat uupuan. Alam mo bang ang sakit sa pwet non"
Sabi ko dahilan para magtawanan yung mga lalaking nangungulit sakin kanina.

Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin.

"Tawa-tawa nyo dyan?"inis na tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay. Bigla naman nilang tinakpan ang mga bibig nila habang iiling-iling.Nabaling ang tingin ko doon sa lalaking may-ari nung cute na tuta ng maramdaman ko ang tingin nito sakin.
Tinaasan nya ako ng kilay."Ano?"inis kong tanong dahilan para ngumiwi ito habang naiiling.Inirapan ko lang ito bago ibalik sa dalawa yung paningin ko.

"Let me court her"pag-uulit nito.Tumaas ang kilay ko.

"Gusto mo syang ligawan?"tanong ko dahilan para tumango ito."Pwet mo!" Sabi ko bago sila talikudan.Maglalakad na sana ako ng maapakan ko ang sintas ng sapatos ko dahilan para bumagsak ako.Pero ang mas ikinagulat ko pa ay may brasong pumulupot sa bewang ko pero sabay rin kaming natumba dahilan para pumaibabaw ako sa kanya.

Biglang nanlaki ang aking mata ko ng makita ko kung sino ang lalaking ito. Yung lalaking may ari nung cute na tuta.

Agad na naglapitan sa amin ang ibang tao maging si Iseah na ngiting-ngiting habang nakatutok sa amin ang camera,si Liam na nakangisi,si Mingyu na nang-aasar at ang nakabusangot na pagmumukha ni Ethan habang nagtatype sa cellphone nya.

Nagkatitigan pa kami nung lalaking may ari nung cute ka tuta,ilang minuto rin ang itinagal non bago magsalita si Iseah.

"Magtititigan nalang ba kayo dyan?Baka naman gustong nyo ng tumayo"nang-aasar ang boses.

Biglang nalang na nanlaki ang aking mata ng marealize ko kung ano nga pala ang posisyon namin ngayon.Dali-dali akong bumangon at ganon din sya.

"Shit!"sabi ko bago maglakad patungo sa mesa namin.Pagka-upo ko ay agad akong dumukdok."Nakakainis!Nakakainis! Nakakainis!"bulong ko habang may inis sa boses.

Naramdaman ko naman na papalapit na sa akin sila Iseah kaya pumikit na ako.
"Oy!Ano yung titigan nayorn?"tanong nya bago umupo sa harapan ko.Hindi ako sumagot."Oy!--lah!Nakadagan lang hindi na namansin"sabi nito sabay tawa.Nag- angat ako ng ulo at sinamaan ito ng tingin.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now