53

12.3K 684 84
                                    

A/N:Sorry ngayon lang ako nakapag update.Ang dami kasing ganap kahapon.

Hindi padin kasi ako nakaka move-on sa break-up ng Viarkin kaya dinibdib ko yun.HAHAHAHA!

Hindi padin ako nakaka move sa LWB.
Napanood kona yung HIH,sana kayo din.

Zemira's POV

Nandito ako sa office ni Luke sa SSG. Naka upo sya sa swivel chair habang ako ay nasa sofa. Pagkatapos kasi naming pumunta ng cafeteria ay hinigit nya ako dito.

"Luke...." ngumuso ako."Sorry na kasi"
Sabi ko at lalong ngumuso. Nangunot ang noo nya bago ako balingan ng tingin at binalik sa mga papel na binasa nya.

"Quite. I'm busy" seryosong sabi nito. Sumandal sya sa swivel chair at ipinatong ang paa doon habang nagbabasa ng mga papeles na keneme don.

Hindi na ako nagsalita at nakayuko lamang ako doon habang nakatingin sa mga kamay kong pinaglalaruan ko.

Maya-maya lang ay may isang butil ng tubig ang nalaglag sa kamay ko hanggang sa nagsunod-sunod na iyon.Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Naging tahimik lamang ang pag-iyak ko dahil sa kagat-kagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko.

Sanay naman akong umiyak walang tunog pero ang sakit parin.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak hanggang sa may nakita akong isang pares ng sapatos ang tumigil sa harap ko. Hindi ko man tignan pero alam ko nang kay Luke iyon.Alam ko rin ang pabango nya.

Palihim kong pinunasan ang luha ko para hindi nya mahalata.

Nakayuko akong tumayo."A-aalis na muna ako..." sabi ko bago isuot ang mask.

Pero imbis nasa bibig ko ilagay ang mask ay sa mata ko ito inilagay.

Maglalakad na sana ako ng hawakan ni Luke ang kamay at sabay sabing...

"Sorry...." hinila nya ang kamay ko palapit sa kanya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

Pinalobo ko ang bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko. Tinanggal ni Luke ang mask na nasa mata ko.Yumuko ako.

Hindi kona napigilan ang sarili ko at bigla nalang akong humagulgol habang naka yuko.

"Sorry na nga kasi e! Diko naman sinasadya yun! Prank lang naman yun e!
Sorry na! Bati na tayo!" iyak ko habang kinukusot-kusot ang mata ko na parang bata."Sorry na kasi! Bati na tayo!" sabi ko at bigla nalang yumakap sa kanya at sinubsob ko ang mukha sa dibdib nya.
"Diko nayun uulitin! Promise! Wag kana magalit!Bati na tayo!" iyak ko pa. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito.

Hinawakan nito ang magkabila kong balikat at nilalayo nito sa ang sarili sa akin. Lalo ko naman na hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya habang umiling-iling. Wala akong pakialam kung magusot o mabasa ang kanyang uniporme may plantsa at labandera naman sya.

"Hindi ako bibitaw hangga't hindi mo 'ko binabate" sabi ko at tinagilid ang aking ulo  habang nakanguso.

Naramdaman ko na may isang pares ng mata ang nanonood sa amin pero wala akong pakialam doon dahil mas pinoproblema kopa si Luke ngayon.

"No" matigas na sabi nito na lalong nagpaiyak sa akin.

Sumubsob uli ako sa dibdib nya at umiyak ng umiyak."Sorry na nga kasi! Hindi na nga uulitin e! Diko na nga uulitin e!" iyak ko nanaman."Di na uulitin!"

Naramdaman ko naman na niyakap na nya ako pabalik at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Okay. Just stop crying, okay? I forgive you" sabi nito dahilan para mabilis ko itong tiningala pero nananatili parin akong nakayakap sakanya.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now