09

17K 883 116
                                    

Zemira's POV

Agad ko'ng kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni Iseah. Nakailang ring ito bago nya sagutin.

"[Oy! ZemZem! Napatawag ka? Namiss mo na ako? Sabi ko naman sayo e Sumabay kana sakin kanina para hindi mo ko mamiss]" Napairap nalang ako sa kawalan ng mag-isip nanaman sya ng kung ano-ano'ng kemerot nya sa buhay.

"Puntahan mo ko dito sa room at gamutin mo narin ang sugat ko" seryoso'ng sabi ko habang nanghihina ang boses.

"[Wait! What!?What happened!? May nang-away ba sayo dyan!? Sabihin mo kung sino at uupakan ko para sayo o gusto mo'ng tawagin ko pa ang barkada!?]" Taranta'ng tanong nya. Napairap nalang uli ako dahil sa kaOA-yan ni Iseah.

"Basta pumunta kana lang dito, bilis"
Nanghihina'ng sabi ko habang unti-unti'ng naghahabol ng hininga.

May naiwan ata'ng alikabok sa loob ng ilong ko.

"[Oo! Pupunta na ako dyan!]" Agad ko'ng binaba ang tawag. Naging malalim ang aking mga naging paghinga.

"Zaina, okay ka lang?" Napatingin ako kay Liam ng magtanong sya. Paglingon ko ay nakatingin pala sakin ang lahat.

Nasa room nga pala ako.

Napansin nya siguro na naging malalim ang aking paghinga. Nag-aalala ang mukha nya. Ngumiti ako bago tumango pero ang totoo ay nanlalabo na ang paningin ko at ilang minuto nalang ay babagsak na ang talukap ng mata ko. Lalo namang sumasakit ang sugat ko at idagdag pa ang pagkakatama ng tyan ko sa table ni Sir Brandon at tumakbo pa ako ng kalayo-kayo na kakakain ko lang non. Nananakit narin ang binti ko dahil sa pagtakbo ko kanina.

Tumango nalang sya at nagpilit ng ngiti kahit ang totoo naman ay mukha'ng hindi sya kumbinsido sa naging sagot ko.

"ZAINA!" Napatingin kami sa may pintuan ng marinig ko ang pamilyar na boses. Hingal na hingal sya at naghahabol ng hininga. Nakatungo sya habang nakahawak sa magkabila nya'ng tuhod."Zaina-O my god!" Nanlalaki ang kanya'ng mata habang nakatingin sa akin habang ang dalawa nya'ng kamay ay nasa bibig nya.

OA.

Napairap naman ako sa kawalan dahil sa taglay na kaOA-yan ni Iseah.

"Tumigil ka nga dyan, nakapa OA mo" sabi ko sabay nguso. Agad naman nya'ng tinanggal ang kamay nya sa bibig nya at nawala na ang pagiging OA nya.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now