10

16.8K 777 63
                                    

Zemira's POV

Nang matapos na ang usapan ng dalawa ay agad ko ng inaya yung tatlo na umalis na doon dahil baka mahuli pa kami. Nagstay muna kami sa loob ng clinic ng 20 minutes bago bumalik sa classroom namin.

Ang laki ng ngiti ko habang naglalakad pabalik sa classroom na agad naman na napansin nung tatlo.

"Hindi ba nangangalay yang panga mo, kakangiti?" Tanong ni David na nakatingin sa akin. Nilingon ko naman sya habang nakangiti at marahan na umiling.

"Hindi" sabi ko sabay tingin sa dinadaanan namin patungong classroom. "Walang ngalay-ngalay panga, sa tao'ng masaya" Ngiti'ng-ngiti'ng sabi ko.

"Masaya kaba dahil hinabol ka ni Willie Revillame na namimigay ng jacket o masaya ka dahil dumugo yang sugat mo?" Agad ko naman na sinamaan ng tingin si Ethan ng sinabi nya iyon.

Pinaalala pa nga.

"Hahambalusin kita ng dos por dos dyan" Nagbabanta kong sabi pero nakangiti parin ako habang sinasabi iyon kaya lalo'ng lumakas ang tawa ni Ethan.

"HAHA! Ang pangit mo!" Sabi nya habang nakaturo sa akin .Agad naman na tumaas ang kilay ko pero nakangiti parin ako.

Parang tanga lang e.

"HAHAHA! Ang liit mo naman" Nakangiti ko'ng sabi habang nakaturo sa kanya dahilan para Ttumigil sya sa pagtawa at samaan ako ng tingin.

"Ang bad mo, Zaina! Ambad bad mo!" Sabi nya habang nakanguso at magkadikit ang pareho'ng hintuturo. Cute. Agad na Tumaas ang kilay ko.

"Ano namang bad don? Nagsasabi lang naman ako ng totoo na maliit ka ah" sabi ko habang nakangiti parin. Narinig ko naman ang pigil na tawa nung dalawa mula sa likod. Kami kasi ni Ethan ang nauuna habang sila Rocky at David ang nasa likod.

Sinamaan nya ako ng tingin habang ako ay nakangiti lang ng nakakaloko sa kanya.

"Hindi ako maliit!" Giit nya. Ngumiti lang ako ng nakakaloko sa kanya.

"Maliit ka kaya" sabi ko sabay nguso. Nanliit naman ang mata nya.

"Sinabi ng hindi IH!

"Oo kaya!"

"Hindi!"

"Wag ka'ng mag-alala ibibili kita ng cherifer" Nakangiti at taas baba ang kilay kong sabi. Lalo naman akong sinamaan ng tingin ni Ethan at pairap na inalis ang tingin sa akin at nagpauna ng maglakad.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now