29

14.7K 747 357
                                    

Zemira's POV

Sabay sabay kaming napatingin sa may dulong lamesa namin ng may magsalita don.

May nakita kaming lalaki na may dalang bouqet of red roses at may dalang kahon na square na kulay brown at may kulay pink na ribbon sa taas.

Mukhang chocolate nanaman....

"Kayo ba si Miss Zaina?"tanong pa nung lalaki.Alanganin akong tumango.Inilagay nya sa mesa ng mga dala nya. "Pinabibigay sa inyo"

"Kanino galing?"tanong ko bago tignan ang mga dala.

"Sa manliligaw nyo?"

"Manliligaw?"kunot noong tanong ko." Wala akong maalala na may manliligaw ako"sabi ko bago tignan ang card na inabot nung lalaki.

Ps:Dahil kinain mo uli ito ay dalawang sunod na araw na ang date natin...

Inurong ko pabalik ang mga dala nya.Taka naman syang tumingin sa akin. "Makikisabi na hindi ko matatanggap yan,at paki sabi rin ka hindi ako natanggap ng man liligaw"sabi ko. Alanganin naman nyang kinuha iyon.

"Per---"

"Just do what she said"sabay sabay kami ng napatingin kay Spade ng sabihin nya iyon.Bawat salitang binitawan nya ay may diin at maatoridad.

Hanep!

"S-sige"sabi nung lalaki bago dali-daling umalis sa harapan namin.

Nilingon ko si Spade."Thank you"bago sya makalingon ay binalik kona sa harapan ang paningin.

Pumangalumbaba si Ethan sa harapan ko.
"Sayang yung chocolate"nakanguso nito na sabi."Mukhang masarap"dagdag pa nito.

Magsasalita sana ako ng may hindi pamilyar na boses ang aking narinig."Tsk! Patay gutom talaga.Palibhasa mga walang pera"sabi nung babae na nasa Section A na kanina pa pairap-irap sakin.

Kinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng lamesa dahil sa sinabi nya.Agad ko naman na pinakalma ang sarili.

Bumaling ako kay Ethan."Bigyan nalang kita"sabi ko.Agad naman na nagliwanag ang mukha nya.

"Talaga?"ngiting-ngiting sabi nito. Tumango ako.Agad naman syang ngumuso."Pero sa ibang bansa nakakabili non"nakanguso nitong sabi.

"Meron ako sa bahay non,dalhin ko nalang bukas"sabi ko.Agad naman na nag-ubuhan ang iba.

"Chocolate ehem!Chocolate!Chocolate"

"Ehem!Mukhang makati ang lalamunan ko
Mukhang kailangan ko ata kumain ng chocolate!Ehem!Ehem!"

"Parang gusto kong mabungi.Bigyan nyo nga ako ng chocolate"

Napailing nalang ako sa kanila habang nakangiti.Pwede naman nilang sabihin na gusto nila,nagpaparinig pa.

"Tsk!Mga patay gutom talaga"dinig kong sabi nanaman nung babae.Parang mga walang narinig ang mga hunghang dahil walang pumansin don sa babae.

Magantihan nga...

Ngumiti ako sa kanilang lahat."Wag kayo ng mag-alala.Lahat kayo bibigyan ko. May naiinggit kasi kaya takamin nyo" ngiting-ngiting sabi ko.

Agad silang natigilan pero agad din na mga ngumiti.

"Mga patay gutom talaga"dinig kong parinig ng mga babae sa Section A.

"Atleast binibigyan"nakangiti kong sabi.
Nang-aasar.Nakita ko kung paano bumalandra ang inis sa mga taga Section A na babae.Lalo na yung katapat ni Ethan na babae na kaharap ko.Sobrang sama ng tingin sakin.Kulang nalang mawala yung itim sa mata."Gusto mo?Bili ka"dagdag ko pa.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Место, где живут истории. Откройте их для себя