16

14.6K 741 108
                                    

Zemira's POV

Agad akong napatingin sa may pintuan ng class room ng magsi-silipan ang mga hung hang kong kaklase.

Anong ginagawa nila?Bakit nakasilip sila?

"Ang linis!"

"Pwede na nating gawing katulong si Zaina!" agad na nangunot ang noo ko doon sa nagsalita.

Siraulo!

"Pwede na uling magkalat!" Agad na nagpantig ang tenga ko doon sa huling nagsalita.

"Hoy!Hoy!Hoy!Hindi kayo pwedeng magkalat"kunot noong sabi ko.Ngumiwi lang sila at yung iba naman ay nagpatay malisya.

Agad na pumasok si Spade at sinuyod ng tingin ang buong class room kasunod naman nya na pumasok si Lucas na nakatingin sa akin kaya naman nginitian ko ito at ganon din sya sakin

Pumunta si Spade sa upuan nya at umupo narin,ganon din si Lucas hanggang sa nagpasukan na ang lahat at nag-upuan na.

Napatingin ako sa bulsa ng blazer ko ng tumunog iyon senyales na may nagtext, nangunot ang noo ko bago iyon tignan.

Si Iseah,nagtext.

Iseah:
Tignan mo yung sinend ko sayo sa messenger.

Kahit nagtataka ay sinunod ko iyon.

Me:
Sige:)

Agad kong binuksan ang messenger ko. Agad na sumalubong sa akin ang tatlong pictures na pinadala ni Iseah.Hindi ko pa makita ang pictures kaya naman ni-use data kona.

Agad kong pinindot yung unang picture at una kong nakita ang litrato ng taong minahal ko na matagal ko ng hinahanap. Sa litrato ay may kasama syang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang din. Kumakain sila sa isang restaurant at masayang nagtatawanan.

Ang pangalawa namang picture ay nagsusubuan sila ng pagkain.

Sa ikatlong picture naman ay nagpipicture silang dalawa at mukhang masayang masaya sila.

Kaya mo ba ako iniwan?

Kaya kaba nakaipag hiwalay ka sakin through the chat?

Kaya ba naging cold kana sakin?

Kaya ba bigla bigla kang nawala?

.........dahil may bago kana?

Unti-unting nangilid ang luha ko sa aking mata.Pinalobo ko nalang ang bibig ko para narin magpigil ng luha.

Tumingala ako sa kisame at nagpakawala ng buntong hininga.

Wag kang iiyak.

"Zaina...."nagbaba ako ng tingin, napatingin ako kay Ethan,agad na sumal ubong sa akin ang nag-aalala nitong
mukha.

"Bakit?"nakangiti kong tanong sa kanya.

"Okay ka lang?"nag-aalala nitong tanong. Lalo ko naman na nilakihan ang aking ngiti para hindi na sya magalala."...para ka kasing maiiyak"

"Ako?iiyak?"turo ko sa sarili ko.Nagpeke ako ng tawa."Wala sa bokabularyo ko ang pag-iyak"nagpeke nanaman ako ng tawa bago tinago ang cellphone ko sa bulsa ko at pumunta na sa upuan ko.

Nang makaupo ako ay agad akong kinalabit ni Ethan kaya napatingin ako sa kanya.

"Sigurado kaba talagang okay ka?"
Paninigurado nito.Nginitian ko lang sya at nag thumbs up.

"Kelan ba ako hindi naging okay?" Nakangiti kong tanong.

Ngumiti si Ethan at umiling...

"Lagi ka namang hindi okay"

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now