08

16.3K 845 193
                                    

Zemira's POV

Patay!

Kahit masakit ang tyan ko ay tumayo na agad ako. Lumingon ako sa may pintuan at nakatayo doon si Will baliw na ang lawak ng ngiti habang naghahabol ng hininga.

Dali-dali ako'ng tumuntong sa mga upuan dahil hinahabol nanaman ako ni Will baliw. Yung mga hunghang nalang ang umiiwas kaya wala ako'ng natamaan sa kanila.

Nang nasa likudan na ako ay agad ako'ng humila ng bangko at umakyat sa taas ng aparador na malaki. Hindi ko alam kung bakit may aparador dito pero nasisiguro ko na matagal na ito dito dahil marami ng alikabok.

Nang makaakyat ako ay sya namang dating ni Will baliw sa baba.

"Baby, please. Bumaba kana dyan."

"Tumigil ka! Hindi ako ang baby mo!" Inis kong sigaw mula sa taas ng aparador, nagtawanan naman ang mga hunghang maliban kila Rocky, David at doon sa violet at red na buhok.

"Manahimik ka! Hindi kita kilala!" Inis na sigaw ko ng akma'ng magsasalita sya.

"Baby, intayin mo ako dyan. Aakyat din ako." Sabi ni Will baliw. Nataranta naman ako ng kumuha sya ng bangko at tumuntong doon. Agad ako'ng napatingin sa kisame.

Aha!

Bigla ko'ng binaklas ang isang square ng kisame. Agad naman ako'ng tinawag ng mga hunghang.

"Zaina!" Tawag nila sa akin pero hindi ko sila pinansin.

Bahala kayo dyan.

*cough

*cough

*cough

*cough

*cough

Bigla ako'ng naubo ng malanghap ko ang mga alikabok pagkabaklas ko ng kisame.

"Zaina, marupok yan!" Dinig ko'ng sigaw ni Ethan patungkol sa mga kahoy pero wala ako'ng pakialam, basta ang gusto ko ay makalayo ako sa Will baliw nato.

Wala sila'ng nagawa ng tuluyan na ako'ng pumasok sa taas ng kisame. Gumapang lang ako ng gumapang at hindi kona alam kung saang parte ng classroom ako naroroon.

"Ambaho! Pwe!" Sabi ko habang ubo ng ubo. Andami ring tae ng mga daga dito at ang dami rin ng agiw.

"Baby, bumaba ka dyan!" Dinig ko'ng sigaw ni Will baliw sa parte kung saan ako pumasok. Mukhang hindi pa sya nakakaakyat.

"Manahimik ka! Hindi ako sanggol kaya wag mo ako'ng matawag tawag na baby!" Sabi ko sabay tigil sa paggapang.

"I love you, Love!"

"Puta!"

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now