Epilogue

10.5K 496 234
                                    

Napahinto ako ng dahan-dahan ng naglalaho ang paligid. Naglaho na rin ng tuluyan si Kiel pati na rin si Gray.

Napapikit na lamang ako. Dahil ayaw kong makita ang paligid na unti-unting naglalaho, ewan ko ba? Nakaramdam ako ng takot.

•••

Dahan-dahan ko ng minulat ang aking mata at agad na napabalikwas sa higaan. Lumapit ako sa salamin at dahan-dahan hinawakan ang aking mukha.

Bumalik na 'yong mukha ko sa 28 year old. Napahinga ako ng malalim. Panaginip lang ba 'yon lahat? Nakakaloka.

Napahinto ako ng makita ko ang sunog na libro. Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanan na braso ko. May sugat ito? So, hindi panaginip ang lahat ng 'yon?

Muntik pa akong mapasigaw dahil biglang may kumatok sa pinto.

"Luna! May pagkain ako dito! Open the door!" Napairap nalang ako at lumapit sa pinto.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang babaeng may dala-dalang tatlong paper bag.

"What are you doing here?" I asked.

"Alam kong depressed ka! Kaya dinalhan kita ng pagkain!" excited niyang sabi at pumasok sa bahay ko.

"Busog pa ako," cold kong sabi sa kanya.

"Gurl, kumain ka! Ang payat-payat mo oh! Tignan mo ako, sexy~" I rolled my eyes again.

At kinuha ko ang isang paper bag na hawak niya at nilagay ito sa lamesa. Nilabas ko na 'yong mga pagkain na nasa loob ng paper bag at nilagay sa lamesa.

Kinain ko na 'yong hamburger. Napatingin siya sa akin at napamewang ito.

"Wow, wala man lang thank you?!"

"Ang ingay mo," ani ko sa kanya. Napapuot na lamang ito at umupo sa tabi ko.

"So, musta ang story ng Chasing Love?" Napahinto ako sa kanyang tanong. "Nagustuhan mo ba?"

"Hindi," cold kong sagot sa kanya.

"Hala why? Ang ganda kaya no'n," sabi niya sa akin. Hindi lang ako nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagkain. "Ano palang nangyari sa kanan na braso mo?"

"Ah wala ito." Napatakip naman siya ng bibig niya dahilan para kunot noo ko siyang tignan.

"Omo, don't tell me may balak kang kitilin ang buhay mo?!" Agad ko pinitik 'yong noo niya. "Aray!"

"Kahit ano nalang iniisip mo." Napailing ako.

Napapuot ito, "Hinahanap ka pala ng ex mo."

"Why?" I coldly asked.

"Ewan ko, makikipagbalikan siguro," sabi niya sa akin.

"Oh tapos?"

"Magkita raw kayo sa Sweet Escape restaurant bukas." Tumingin ako sa kanya.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now