Chapter 55

3.9K 205 59
                                    

"Sa akin nga sasama si Luna! Ako ang nakauna sa kanya! Mang aagaw ka!" sigaw ni Kio.

"Hindi naman sa'yo si Luna para solohin mo!" inis na sabi sa kanya ni Prince.

"Magiging akin rin naman siya!"

"Hindi! Magiging sa akin siya!"

"Sa akin!"

"Sa akin!"

"Hindi nga—"

"Guys! Itigil niyo na nga 'yan! Nakakahiya sa tindero oh!" inis kong sabi sa kanila. Napailing na lamang ako at napabuntong hininga.

Natunaw na 'yong ice cream ko.

•••

"Magsisimula na ang show mamaya," sabi ni ma'am.

"Ma'am, wala pa rin si Sol!" sabi nung isa kong kaklasi.

"Huh? Pero kailangan na natin siya! Sino na ang gaganap bilang kaibigan ng prinsesa?!" alalang tanong ni ma'am. Napahilot siya sa sintido niya.

"Ma'am, ako nalang ang maghahanap sa kanya," saad ko sa kanya.

"No, stay here. Mas kailangan ka dahil ikaw ang gumanap bilang prinsesa," seryosong saad sa akin ni Saichi.

"Mamaya pa naman 'yong performance. Mahahanap ko pa siya," nakangiti kong saad sa kanila.

Nakikita ko ang pag alala sa kanilang mukha, "Gusto mo samahan na kita?"

Napailing ako sa sinabi ni Hevis.

"Kaya ko na 'to mag isa." Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay kinuha ko na ang uniform ko at nagbihis sa banyo.

Ayaw ko kasing masira ang gown. Pinasok ko ang gown sa loob ng bag. At nilibot na ang school.

Pero wala talaga siya. I have only 30 minutes left bago magsimula ang show.

Nasaan na ba siya? Hindi ko rin siya matawagan. Wait? Bakit hindi ko natanong ito kay Saichi?

Sila 'yong last nag usap, simula no'n. Hindi ko na nakita si Sol. Nakakapagtaka naman.

Hayst wala na akong panahon para magtanong sa kanya. Napahinto ako sa pagtakbo ng biglang nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ang message.

Nandoon daw siya sa abandonadong hospital malapit sa school. Masama ang pakiramdam ko dito.

Kahit character lang siya. Nag alala pa rin ako sa kanya. I know they are fictional character, pero nandito ako sa mundong 'to. Alam kong may feelings rin sila.

Tumakbo na ako at pumunta na sa abandonadong hospital. Hindi pa ako nakatapak sa loob ay nakaramdam na ako ng kaba at takot.

Napatampal ako ng noo. Bakit ang bobo ko?! Dapat pumayag nalang ako na samahan ako ni Hevis.

Wala ng atrasan Luna, nandito ka na.

Kahit nagsisimula ng manginig ang aking katawan ay hindi ko 'to pinansin at nagsimula ng maglakad.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now