Chapter 15

7.2K 341 96
                                    

"Tsk, magpasalamat ka na nga," sabi ko. Inayos ko ang buhok ko at akmang aalis ng napahinto ako dahil bigla siyang sumimangot. "Oh bakit ka nakasimangot diyan?"

"Hey why didn't you touch me? We're in a relation—"

"We're just pretending you idiot, if you're not fully awake, baka gusto mo sapak," sabi ko sa kanya.

"Nagbibiro lang naman ako, sungit mo masyado." I rolled my eyes.

"Aalis na ako, kita nalang tayo sa school mamaya." Hindi pa siya nakapagsalita ay agad na ako umalis.

•••

Ng tapos na ako mag ayos ay bumaba na ako ng kwarto and i saw Enzo looking at me with his cold eyes. Ano na naman kayang problema nito?

Lumapit ako sa kanya at inayos ang neck tie niya.

"Ang gwapo talaga ng kambal ko," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" he seriously asked.

Napaiwas ako ng tingin dahil ang lalim ng tingin niya sa akin.

"Umm, sa kaibigan ko lang," sabi ko sa kanya.

"Nabalitaan kong pinutol mo na raw ang pagkakaibigan mo kay Sol," cold niyang sabi.

"Sa ibang—"

"You have no other friends than Sol," saad niya.

"Uhh... Wag muna isipin 'yon, ang importante is nakabalik na ako." Napahinto ako ng nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Natulog ka ba sa bahay ng mokong na 'yon?" Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Huh? Si Cl?" Hindi lang siya nagsalita at seryoso lang na tumingin sa akin. Napakamot nalang ako sa batok, bakit parang pinapagalitan niya ako ngayon? "M-may emergency kasi kaya hindi ako makaalis sa bahay niya."

Mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ako kunti.

"Layuan mo na 'yong mokong na 'yon kung ayaw mong may masamang mangyari sa kanya." Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.

Napalunok ako ng laway ng makaramdam ako ng takot. What the heck is that? Bakit parang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya?

•••

"Hindi ko akalain na ang gwapo pala ng kapatid ni Luna."

"Omg, sana pinansin ko nalang si Luna para mapalapit ako sa kambal niya."

"Akin lang siya oi."

Girls this days, napabuntong hininga nalang ako at nagulat ako ng biglang humarap sa akin si Kio.

"Wag muna silang pansinin, Luna," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatango nalang ako.

I still feel uncomfortable when i'm with Kio.

"Why are you still looking at me?" I asked.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now