Chapter 40

4.9K 220 46
                                    

"What do you think?" mapaglaro niyang tanong.

"So, may kinalaman ka nga sa novel na 'to. Alam mong hindi ako si—" naputol ang sasabihin ko ng agad siya nagsalita.

"What are you talking about, Luna? Wala pa akong nabasa na 'Chasing Love' at saka, hindi ako mahilig magbasa ng kwento." Nangunot ang noo kong tinignan siya.

Nagsasabi ba siya ng totoo? Kung ganun, i almost reveal myself to him. Stupid Luna.

Napahinto ako ng maalala ang sinabi ng misteryosong lalaki na 'yon.

"I don't know, siguro gusto ka niya. Kilala mo lang siya, Luna. Kailangan mong mag ingat. Malay mo baka naloko kana niya."

Isa sa dalawa ang nagsisinungaling, pero sino? Gosh! Nakakasakit ng ulo!

"Nevermind." Akmang aalis na sana ako pero agad siya nagsalita.

"Mine, be careful." Hindi na ako lumingon sa kanya at nagsimula ng maglakad.

•••

Binuksan ko na ang pinto at napahinto ako sa nakita ko. I saw Enzo sitting on the sofa, while looking at me so coldly.

Hindi ako na inform na pupunta pala siya dito.

"Enzo? Kailan ka pa bumalik?" I asked.

"Kanina pa." Tumingin siya sa bintana at tinignan ang bilog na buwan. "I was expecting you to be here."

"I-i'm sorry. M-may pinuntahan lang ako," sabi ko sa kanya.

"Ng ganitong oras?" Hindi ako makasagot at nakatingin lang sa kanya. Galit ba siya? "Sinisigurado ko lang na okay ka."

"Bakit hindi ka nalang dito tumira ulit? Nag alala na ako sa'yo," alala kong sabi sa kanya.

"Nag alala?"

"Yes, ikaw lang 'yong naiwan sa akin. Our mother died, kaya ako nalang ang nag iisa dito." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Enzo, please, dito ka na tumira ulit. This is your house. Our house, mag kambal tayo. Kaya dapat nagtutu-"

"Stop!" Napahinto ako sa biglaan niyang pagsigaw. Napaatras ako at napatakip siya sa kanyang tenga. "I don't want to hear that! Bakit?! Bakit naging kambal pa tayo?!"

Seryoso lang akong tumingin sa kanya. Ano nalang kaya 'yong reaksyon niya? If nalaman niyang hindi kami kambal?

Since that woman died. Hindi na malalaman ni Enzo na ampon lang siya. Sa pagkakaalam ko, that woman is the reason kung bakit nalaman ni Enzo na ampon lang siya.

But since that woman died. Hindi na niya ito malalaman. Mas nakakabuti na rin, para mapigilan niya ang kanyang sariling magkagusto sa akin.

"Dito ka muna matulog. Alam kong pagod ka na," seryoso kong sabi sa kanya.

Hindi lang ito nagsalita. Napahinga ako ng malalim at dumiretso na sa kwarto ko.

•••

Minulat ko na ang aking mata dahil sa biglaan na pagtunog ng alarm clock. Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now