Chapter 12

7.1K 379 62
                                    

"Luna, I need to talk to you," sabi sa akin ni Sol.

Napatingin sa akin si Saichi, kaya hindi ako makapagtanggi.

"What for?" Just act normal, Luna.

"Luna, I—"

"Luna! Nandito ka lang pala!" Agad naman ako inakbayan ni Cl. Mabuti naman at may paraan pa kami upang makatakas dito.

"Sorry Sol, but may gagawin pa kami ni Cl. Maybe later—" Akmang aalis ako pero agad hinawakan ni Saichi ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Mas importante pa ba 'yan kaysa kay Sol?" seryosong tanong ni Saichi.

Hinawakan naman ni Cl ang wrist ko at seryosong tinignan si Saichi na parang willing niyang patayin ito para sa akin.

"Bro, let my girl go," seryosong saad sa kanya ni Cl.

"S-saichi, bitawan mo si Luna. Pwede naman kami mag usap sa susunod," malungkot na sabi ni Sol.

Inis naman na binitawan ako ni Saichi. At hinila na ako ni Cl. Ng makalayo-layo na kami ay binitawan na niya ako at napahinga ako ng malalim.

"Are you okay? Does your hand hurts?" he asked.

"Ayos lang ako." I playfully looked at him. "You seem to be worried at me? Don't tell me gusto muna ako?"

"What?"

"Baka ikaw ang ma fall sa akin at hindi ako?" Nakita ko naman na nairita ito sa sinabi ko dahilan para mapatawa ako.

"Isang Cl—"

"I get it, nagbibiro lang naman ako," I said. Ngumiti ako dahilan para mapahinto. "Thanks for saving me."

"Huh, what are you talking about? I didn't—"

"Tsk, tsundere." Napahinto siya sa sinabi ko.

"Ano?" I rolled my eyes.

"Nevermind, thanks for saving my life, playboy~" He smirked.

Akmang aalis ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ano na naman ang kailangan nito? Wala naman si Sol para magpanggap kami bilang boyfriend at girlfriend.

"Stay."

"Huh? Why would i?" Inalis ko naman 'yong kamay ko sa pagkakahawak niya. He's acting strange.

Dapat nga hindi siya sa akin lumalapit. At kay Sol siya ngayon, nakikipag usap. According to the novel. Kahit pa nagpapanggap si Cl at Luna na magjowa, tudo lapit pa rin si Cl kay Sol, pero ngayon... Hindi ko na alam.

"Boring kasi kapag wala ka." Napa cross arm ako at tinaasan siya ng kilay.

"Edi do'n ka sa Sol mo!" inis kong sabi sa kanya.

"Don't tell me nagseselos ang girlfriend ko?" mapaglaro niyang tanong.

"Heh? Ako nagseselos, hindi ah!" Napangiti nalang ito sa akin.

May naaninag naman ako na may tumatakbo papalapit sa amin at siguradong mababangga na niya si Cl. Kaya agad ko hinila si Cl dahilan para mapalapit ito sa akin.

One wrong move and we might kiss. He slowly looking at my lips, at nakita ko pang napalunok ito ng laway. I rolled my eyes, playboy nga naman. Kahit sino nalang pinapatulan.

Agad ko naman siya tinulak. At halata naman na nabalik siya sa katinuan niya.

"Magkita nalang tayo sa Parallax restaurant," sabi ko sa kanya.

Kita ko naman ang pagningning ng kanyang mata dahilan para mapairap ako ulit.

"Are you asking me for a date?! Oh how sweet my girlfriend is!" Seriously?! Iniinis na talaga ako ng lalaking 'to.

"Alis na ako, may gagawin pa ako," walang gana kong sabi sa kanya.

"Luna, don't go near on another guy," seryoso niyang sabi sa akin.

Nangunot ang noo ko. Ano naman kung lalapit ako sa mga lalaki? Wala na siyang pake. 

"Huh? Bakit naman?"

"You don't want to betray your boyfriend, don't you?" Ano bang nagawa ko sa kanya at parang binabantaan niya ako?

"Oh chill, Cl. Kung makaasta ka para namang totoong boyfriend kita." Hindi pa siya nakapagsalita ay umalis na ako.

•••

"Luna." Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Nandito kami sa loob ng classroom, wala pa rin si sir. Ilang oras na at next subject na naman tapos wala pa rin siya. Kaya wala kami sa proper seat namin ngayon. "Boyfriend mo ba si Kio?"

"Huh?"

"He's looking at you," sabi niya.

Napalingon ako sa likod ko and i saw Kio staring at me with his cold eyes. Pati na rin si Eros at Hevis.

At nakita ko rin na masamang tumingin sa akin si Cl. Oh gosh! Ano na naman ang ginawa ko?!

Hiniga ko nalang ang ulo ko sa desk at natulog. Ayaw ko makita 'yong galit nilang pagmumukha.

•••

"Hey! Cl! Where are we going?!" sigaw kong tanong.

Dahil tumatakbo siya habang hila na hila ako, para siyang galit. What did i do to make him mad like that?

Ng makarating kami sa likod ng school ay agad niya ako kinorner dahilan para mapalunok ako ng laway. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

Kahit bata pa ito, natatakot pa rin ako.

"Diba sinabi ko na sa'yo na lumayo ka sa mga lalaki?!" sigaw niya.

"H-hindi pa naman ako lumapit sa kanila ah," kinakabahan kong sabi sa kanya. 

At ano naman kung lumapit ako sa mga lalaki. Anong problema do'n?

"Hindi ka nakakaintindi!" sigaw niya. Sinuntok naman niya 'yong pader at muntik pa akong mapasigaw. "Kailangan pa ba kita ikulong sa bahay ko para hindi ka na lapitin ng mga lalaki!"

Natigilan ako sa sinabi niya. What? Ikulong? Wait, bakit parang obsessed siya sa akin? Eh kay Sol naman dapat niya sinasabi 'yan?

Imposible naman na magkagusto siya sa akin. Kasi first chapter palang sa story ay gusto na niya si Sol.

"Are you out of your mind?" cold kong tanong sa kanya. Tinulak ko naman siya. "Ano bang kinagagalit mo? Kung makaasta ka parang nagkagusto ka na sa akin. Na fall ka na ba?"

Namilog ang mata niya sa aking sinabi dahilan para mapatawa ako ng marahan.

"A-ako? N-nafall? Hindi ah!"

"Iyun naman pala eh! Alis na ako!" Akmang aalis na ako pero agad niya ako niyakap.

Nasa likod ko siya habang yakap na yakap niya ako. Bigla akong natahimik, and i hear his heart beating so fast.

"I don't want them to steal my girl from me," sabi niya. Naramdaman kong nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "As long as you're my girlfriend. You're mine, Luna."

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now