Chapter 36

5K 249 26
                                    

"Why are you here?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"N-natatakot ako." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin ng bigla na naman narinig namin ang malakas na kulog.

Oh i almost forgot. Kio is afraid of thunder. Hindi inexplain ni author kung bakit siya natatakot sa thunder? Simula pa nung bata pa siya ay takot na talaga siya sa kulog.

Hinila ko siya papasok sa loob at sinara ang pinto. Bigla na naman lumakas ang kulog dahilan para mapaupo siya at mapatakip sa tenga niya.

"Ah!" he shouted.

Ano kayang nangyari nito? Bakit takot na takot siya sa kulog? Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod niya.

"Don't be scared. I'm here, Kio." Napatingin siya sa akin at kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang labi.

"L-luna, I-i need hug." Niyakap ko na lamang siya at hinaplos-haplos ang buhok niya.

"You need to change your clothes," saad ko. Hindi ito nagsalita dahilan para kumalas ako. Nakatingin lang ito sa sahig, habang namumula ang kanyang pisnge. Anong problema nito? He looked at me.

"Ate, I-i can't," he said.

"Huh? At bakit naman?" I asked.

"H-hindi ako makatayo, hindi ko maigalaw ang katawan ko." Nakatakip pa rin ang tenga niya gamit ang mga kamay niya.

"Nandito ako, Kio. There's no need to be scared, I'm here to protect you," mahinahon kong sabi sa kanya.

Napailing ito at napalunok ng laway. Halatang takot talaga siya sa kidlat. Kulang nalang mahimatay siya.

"N-no Luna, d-don't protect me. I should be the one who will protect you," sabi niya habang kita ko pa rin ang panginginig ng kanyang katawan.

I pinch his nose and smile warmly, "No need to protect me, I can protect myself. Tumayo ka na, kailangan mo ng magbihis, baka magkasakit ka."

Tumayo siya at bigla na naman kumidlat dahilan para mapayakap siya sa akin.

Wait? Bakit parang ako na 'yong lalaki tapos siya na 'yong babae? Napatawa ako ng marahan sa aking naisip.

Parang tumangkad ako ng kunti, dahil mas matangkad na ako sa kanya. At ngayon ko lang ito napansin.

"L-luna," banggit niya sa pangalan ko.

Hinila ko siya papasok sa kwarto ko. Sobrang lakas ng ulan, pati ako ay giniginaw na rin.

"Magbihis ka na, may extra t-shirt ako diyan sa kabinet. Maghihintay lang ako sa labas." Akmang aalis ako pero agad siya nagsalita dahilan para mapahinto ako.

"Luna, hindi ka ba magbibihis?" he asked innocently.

"Mamaya na ako, pagkatapos mo." Aalis na sana ako pero agad niya hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Sabay na tayo para madali." Napabuga nalang ako ng hangin.

"Okay fine." Nagulat siya sa aking sinabi na parang hindi niya inaasahang sasabihin ko 'to.

"A-are you serious?" Namumula na ngayon 'yong pisnge niya at kulang nalang maging estatwa siya sa kinatatayuan niya.

"Oo." Tinatamad ako ngayon para tumanggi. Lumapit ako sa kabinet at may kinuha na oversized shirt at pajama pants.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Y-you're really going to change clothes h-here?" nauutal niyang tanong.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon