Chapter 2

10K 402 23
                                    

Napatingin naman ako sa itaas at binasa ang section. I heavily sighed. Sa wakas nahanap ko na rin 'yong section ko.

Ilang minuto na ako naghahanap. Ang laki kasi ng school. And finally, I'm here. Kapag nahanap ko talaga 'yong lalaki na naglagay sa akin dito. Malalagot talaga siya sa akin!

Akmang papasok ako pero agad ako binangga ng lalaki na naka white hair. His cold eyes looking at me like pagsisihan kong binangga ko siya.

Ezeckyiel Hevis Escalante Hermoso the serious psychopath. Hindi mo aakalain na ang isang tahimik at gwapo niyang mukha ay pumapatay pala ng mga studyante kapag gabi.

He have white hair and red eyes and pale skin. Ang puti niya sobra. Mas maputi pa siya sa akin at sa iba pang mga lalaki.

Agad naman niya ako nilagpasan. Hindi man lang nag sorry.

"Tsk." Umupo nalang ako sa napili kong upuan.

•••

"Okay class dismiss! You can take your lunch now, remember, hindi pa nagsasapit ang ala una. You need to get back in this classroom," sabi ni ma'am.

"Yes ma'am."

Nagpaalam na kami kay ma'am. At lumabas na 'yong iba. Napatingin ako sa salamin ko.

I'm back at my 15 year old age. Ngayon ko lang 'to napansin, bumalik ako sa pagkabata.

Napahinto ako ng mapagtanto na nakatingin sa akin si Hevis ng seryoso. Nakita ko sa salamin na nakatingin siya sa akin.

Agad ko naman pinasok ang salamin sa bag at nilagay ang notebook at ballpen sa bag ko. Bago naglakad papalabas.

Hindi pa ako nakalabas ay agad ako sinalubong ni Saichi.

"Oh! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap." Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Natahimik lahat ng mga studyante, at alam kong nakatingin na sila ngayon sa amin. "Come with me."

Hindi pa man ako nakapagsalita ay agad na niya ako hinila. Anong kailangan niya sa akin? Don't tell me he's trying to kill me.

Yellow hair and yellow eyes, maamong mukha. Normal lang ang kaputian at nagmumukha na itong prinsepe dahil sa sobrang gwapo nito. At sobra pang bait nito so minsan they call him 'White prince'.... Pero hindi mo aakalain sa likod ng mala anghel niyang mukha, may tinatago pala itong demonyong ugali.

He's pretending to be the angel, but once na makilala mo na talaga siya. Baka hindi ka na lumapit sa kanya?

•••

Napahinto na kami sa pagtakbo at napagtanto ko na dinala niya pala ako sa library.

What are we doing here? Hindi kaya dito niya ako papatayin? That makes sense. Nobody is here only me and him.

"You're Luna, right?" Tinignan ko naman siya ng seryoso. Masasapak ko talaga ang lalaki na 'to. Once na may gawin siyang masama sa akin.

"Yes, anong kailangan mo sa akin?" seryoso kong tanong sa kanya.

Hinawakan naman niya 'yong kamay ko dahilan para matigilan ako. He look at me with a sparkle on his eyes.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now