Chapter 60

5.3K 218 62
                                    

"H-how?" Napangiti lang ito.

"Kailangan munang magmadali, ayaw mong ma-trap dito, diba?" Napahinto ako sa kanyang sinabi.

"Alam mo? All this time?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumayo na siya at tumayo na rin ako. Nakanganga lang ako nakatingin sa kanya. Sino ba talaga 'to?!

Napailing ako. Kailangan ko mag focus. Nakita ko na 'yong itim na lagusan.

"What's that?" tanong ni Prince.

Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla akong tinawag ni Saichi.

"Sa susunod na magkita tayo. I will never let you go!" Napatingin ako sa kanya at napangiti bago pumasok sa lagusan.

•••

Nagulat ako ng madatnan ko na nakahiga na sa sahig si Kiel at parang unti-unti na itong naglalaho.

"Kiel!" sigaw ko at akmang lalapit sa kanya pero agad siya nagsalita.

"W-wag ka lalapit!" sigaw niya. Kahit nahihirapan na ito ay nagawa niya pa ring sumigaw. "L-luna! Kailangan mo ng gawin ang d-dapat mong gawin!"

Napalunok ako ng laway at napatango. Napatingin ako sa paligid at napahinto ako ng may nakita akong fireplace. Agad ako lumapit doon at akmang itatapon ang libro pero biglang hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"I-i can't move! What is happening?!" taranta kong tanong.

"Hindi mo pwedeng sunugin ang pinaghirapan ko, my kitten~ that's my gift for you. Tapos, susunugin mo?" Biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin dahilan para makaramdam ako ng takot. "You're mine, Luna. Kahit na tumakbo ka pa papalayo sa akin, hahabulin pa rin kita."

"Iwan mo na siya! Gray!" sigaw ni Kiel at agad sinakal ito. Dahilan para makagalaw ako ulit. "Luna! Sunugin mo na 'yong libro!"

Napatango ako at tinapon ang libro sa fireplace. Napatingin sa akin si Gray.

"No!" sigaw ni Gray.

Wait, kung nasunog na 'yong libro? Ano ng mangyayari sa walong lalaki? Napailing ako. Wag ka muna ma-distract ngayon, Luna.

Napatingin ako sa kanila. Nagulat nalang ako ng tinapat sa akin ni Kiel ang kutsilyo niya.

"K-kiel." Napatawa naman si Gray.

"Siya na mismo ang papatay sa'yo, Luna~"

Napalunok ako ng laway, "A-anong ibig sabihin nito?"

"Can't you see? He will kill you, Luna," nakangiting sabi sa akin ni Gray.

Napaatras ako habang siya ay papalapit sa akin. Blangko ang kanyang ekspresyon.

"K-kiel, w-wag mong gawin 'to! Kiel!" natatakot kong sabi. Masasaksak na sana ako ng kutsilyo pero agad ako napaiwas at nasugatan pa 'yong kanan na braso ko. "Kiel! Gumising ka! Kiel! Wag mong hayaan na kontrolin ka ni Gray!"

"It's useless, my kitten~ he can't hear you," sabi niya sa akin.

"Kiel! Ang sabi mo nag exist ka lang para protektahan ako!" sigaw ko dahilan para ikahinto niya. Tumulo na 'yong luha ko. "I need you, Kiel! I need you to protect me!"

Napapikit ako ng tinaas niya ang kutsilyo at may balak talaga siyang saksakin ako.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Sinaksak niya ng kutsilyo ang dibdib niya.

Napahiga naman siya sa sahig. Agad ako lumapit sa kanya.

"Kiel! Gumising ka! Kiel!" sigaw ko.

"M-mine, saksakin mo siya ng kutsilyo na b-binigay ko sa'yo. S-sa dibdib mo siya saksakin," nahihirapan niyang sabi sa akin. Hinawakan niya naman ang kamay ko at ngumiti sa akin, I can see the sadness in his eyes. "I-i did it, mine... Hindi ko naulit ang d-dati kong pagkakamali.... K-kailangan mong mabuhay.... I... I.. love.."

"K-kiel?" Pinikit na niya ang mata niya at hindi na ito gumalaw. Nanginginig ang buong katawan kong tinapik ang pisnge niya. "K-kiel! Wag ka magbiro ng ganyan! Gumising ka! Kiel!"

"I see, he still loves you kahit na hindi niya alam na girlfriend ka niya, nung past life natin." Napahinto ako sa kanyang sinabi at dahan-dahan napatingin sa kanya.

"A-anong sabi mo?"

"Siya ang boyfriend mo nung past life mo, Luna. Ang naalala niya lang ay ang ginawa ko, hindi niya naalala na girlfriend ka niya." He chuckled. "He's my brother, deserve niya 'yan. Dahil inagaw ka niya sa akin."

"Ang sama mo! Napakasama mo!" galit kong sigaw sa kanya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masama, Luna! Kung minahal mo nalang sana ako! At hindi 'yong bwesit na kapatid ko ang pinili mo! Hindi na sana mangyayari 'to!" sigaw niya.

"Hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na mahalin ka!"

"Ah! Tumahimik ka!" Napasabunot siya sa kanyang buhok at napahinto ako ng makitang tumulo ang luha niya. "Bakit hindi niyo ako kayang mahalin?! Gusto kong maramdaman... Kung paano ako mahalin. Ikaw lang 'yong gusto ko, Luna. Bakit hindi nalang ako? Bakit siya pa? Bakit siya?!"

"Gray, hindi naman kasi natin mako-kontrol 'yong feelings natin—"

"Kung pinilit mo nalang sana na mahalin ako. Edi sana, hindi mangyayari lahat ng 'to," seryoso niyang sabi sa akin. Napatingin ulit ako kay Kiel na dahan-dahan ng naglalaho.

"A-anong nangyayari?!"

"Iyang kutsilyo na 'yan. Once na masaksak iyan sa may dugong mangkukulam, kahit kailan... hindi na siya mag e-exist."

"Mangkukulam?"

"Yes, anak kami ng mangkukulam, Luna. Kaya lahat ng tao na nasa paligid namin ay takot sa amin." Lumapit siya sa akin at napaatras ako. "Ikaw lang 'yong nag iiba. Hindi ka takot sa akin no'n. Ikaw mismo ang lumapit sa akin at nakipaglaro."

"W-wag kang lalapit!"

"Luna, wag kang matakot. Once na makuha na kita. I promise, hindi na kita sasaktan," sabi niya sa akin.

"Hindi magbabago ang isip ko, Gray. Gusto ko pa rin bumalik sa totoo kong mundo," sabi ko sa kanya.

Bigla akong kinabahan ng sumeryoso ang tingin niya sa akin.

"Hindi ako papayag!" Agad naman niya kinuha ang kutsilyo na nasa sahig at akmang sasaksakin ako pero agad ako umilag at sasaksakin ko na sana siya pero nakailag rin siya.

"Stop this! Gray! Itigil muna 'to!" sigaw ko.

"Bakit hindi ka nalang mamatay para magkasama na tayo forever?!" sigaw niya.

"Gray! Okay fine!" Napahinto na siya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "I give up."

"Luna, totoo ba 'yang sinasabi mo?"

Sumeryoso ang tingin ko at sinaksak siya sa likod.

"I will never be yours, Gray!" Napaatras ako at napaupo siya sa sahig.

"L-luna." Tumingin siya sa akin kahit nahihirapan na ito. "Why? G-ginawa ko na ang lahat."

"Hindi lang talaga tayo ang para sa isa't-isa, Gray. I'm sorry."

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now