Chapter 17

7K 326 53
                                    

I'm done with this, ito na ba ang katapusan ko? Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa bintana.

It's already 6:13 in the morning. Hindi kami nagkasabay ni Enzo, akala ko nga nasa school na siya. Iyun pala wala pa.

Napabuga nalang ako ng hangin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa ako para magalit sila.

"U-umm Luna." Napalingon naman ako kay Sol.

"What?"

"W-why did you choose me as your partner?" tanong niya.

"Why? Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, pwede naman—" naputol ang sasabihin ko ng agad siya sumabat.

"No, I really want to be your partner!" walang gana lang akong tinignan siya. "P-pwede ba kita maging kaibigan ulit?"

"I-"

"I swear! Mag iingat na ako! Hindi na ako gagawa ng ikakagalit mo! I will do anything, Luna." So all this time, she thinks that she do something bad kaya nilayuan ko siya? "So pwede ba tayong bumalik sa pagiging kaibigan?"

Napahinto ako sa kanyang tanong. Some of the plot change nung tinigil ko na ang pagiging kaibigan namin ni Sol. Kung magiging kaibigan ko siya ulit, baka katapusan ko na? Lalong-lalo na't dumating na 'yong babae na 'yon.

"Sorry Sol, pero hindi magbabago ang desisyon ko," sabi ko sa kanya.

"Luna—"

"Paparating na dito si sir!" Agad naman bumalik ang mga studyante sa kinauupuan nila.

At no choice naman si Sol kundi bumalik sa upuan niya. Dumating na rin si Kio at Enzo. Magkasama ba sila kanina?

Umupo naman sa tabi ko si Kio at nginitian ako.

"Goodmorning Luna!"

"G-goodmorning," pagbati ko.

Niyakap niya naman ang braso ko.

"Luna, may free time ka ba mamaya?" he asked.

"Free time? Ah wala eh, may gagawin pa kasi ako—" Napahinto ako ng maramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap niya sa braso ko.

"Ano ang gagawin mo?" he asked while using his cute tone.

"Uhhh..." Napatingin ako kila Eros at Hevis na ngayon ay masamang nakatingin sa amin ni Kio.

Ano na naman ang nagawa ko?!

"So Class, I like you to meet my son, Prince. Classmate niyo na siya ngayon." Napahinto ako sa aking narinig at agad na napatingin sa kanya habang gulat na gulat.

"Prince Quillan Evangelista Ferrer, Pleased to meet you all," nakangiti niyang sabi.

Nilibot niya ang paningin niya sa paligid at ng magtama ang mata namin ay kumindat siya sa akin. Dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Lumapit naman siya sa akin dahilan para mapalunok ako ng laway.

"Pwede bang lumipat ka ng upuan?" tanong niya kay Kio.

"Bakit naman?" cold na tanong ni Kio.

Napatingin si Prince sa akin dahilan para ma estatwa ako.

"Gusto kong makatabi si Luna," seryosong saad ni Prince.

Nagulat ako ng agad ako niyakap ni Kio na parang may aagaw sa akin anytime, kapag kumalas siya.

"No! Ayaw ko! Hindi ako aalis dito!"

"Umalis ka diyan sabi eh." Kalmado ang tono ng pananalita ni Prince pero mahahalata mo talagang napipikon na ito.

"Ayaw ko, patayin mo muna ako bago mo makatabi si Luna," seryosong sabi ni Kio.

"Oh really? Okay, you asked for it." Nagulat ako sa kanyang sinabi.

"May bakanteng upuan naman sa tabi ni Drein, doon ka nalang," sabi ko sa kanya.

Napatingin naman si Kio sa akin at parang proud pa ito dahil sa sinabi ko. While Prince is looking at me with his cold eyes.

Umalis naman siya sa harapan namin at napahinga ako ng malalim. Nagulat ako ng hinawakan ni Kio ang kamay ko.

"Thanks Luna, for letting me stay here by your side. You have no idea how much i'm happy right now," nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi pa ako nakapagsalita ay niyakap niya ako habang ang lapit ng mukha niya sa leeg ko. "No one will take me away from you, Luna. Don't worry i won't leave you."

I prefer if iwan mo nalang ako.

•••

Kahit nung kasama kami gumawa ng activity namin ni Sol. Walang isa sa amin ang nagsalita. Actually, nakaramdam rin ako ng konsensiya.

Pero hindi deserve ni Luna maging kaibigan niya si Sol. And if magiging kaibigan ko si Sol, baka mamatay na talaga ako.

There was a three girls na nagsumbong na pekeng kaibigan daw si Luna, at 'yong walong lalaki ay mas lalong nagalit kay Luna.

"Is there someone bothering you?" Saichi asked.

Nandito ako sa library, nakaupo ako sa upuan habang nakapangalumbaba at nakatunganga lang. Hindi ko napansin na tumabi na pala siya sa akin.

"Diba sinabi ko na sa'yo, act like i don't exist in your world," cold kong sabi sa kanya habang hindi pa rin nakatingin sa kanya.

"Kung ganun lang kadali, edi sana ginawa ko na." Napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Bakit? Mahirap ba ako iwan?" Eh wala ka ngang pake sa akin.

"Yep, hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin. I'm inlove with Sol but i can't leave you." I rolled my eyes at him. Nahawa na ba ito kay Cl?

"Kaya hindi mo ako kayang iwan dahil para may paglaruan ka ganun?" He smirked dahil sa sinabi ko.

"Do you really think i'm a bad person?" he playfully asked.

Nilapit ko naman 'yong mukha ko sa kanya, dahilan para ma estatwa siya.

"Kung hindi ka masamang tao? Why do you bully me?"

"What? Kailan pa kita—"

"Alam kong ikaw 'yong nagsira ng upuan ko para mapahiya ako sa mga classmate ko, and i know na marami ka pang masamang balak sa akin," seryoso kong sabi sa kanya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong niya sa akin.

"Dahil nasaktan ko ang damdamin ni Sol, you really love Sol at gagawin mo lahat para lang hindi siya masaktan ng iba." Kahit kailangan mong pumatay ay gagawin mo.

"You seem to know a lot about me, Luna. Nakakapagtaka lang, why do i feel like alam mo ang mangyayari?" mapaglaro niyang sabi. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Shit! Hindi ko na kontrol 'yong sasabihin ko kanina.

Dumistansiya naman ako at umiwas ng tingin kahit alam kong hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin.

"Wala akong ideya sa pinagsasasabi mo. Imahinasyon mo lang 'yan," sabi ko.

"Talaga ba?" Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil ito. "You're really an interesting person, Luna. I wonder kung anong dahilan bakit tuluyan ka nagbago?"

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now