Chapter 20

6.8K 342 31
                                    

Akmang magsasalita ako pero agad ako napahinto dahil may naramdaman akong may nakatitig sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. But none of them looking at me.

Bakit parang nangingilabot ako? Niyakap ko ang sarili ko, at ramdam ko ang takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag kong bakit nararamdaman ko ito?

"I think kailangan na ninyong umuwi. Kung ayaw niyong magkasakit si Luna," seryosong saad ni Saichi.

Napatingin sila lahat sa akin at napabuga naman ng hangin si Cl.

"I will visit you in your house—" naputol ang sasabihin ni Cl ng agad sumabat si Enzo.

"Not a chance," cold na sabi ni Enzo.

"It's not up to you to decide," inis na sabi ni Cl.

"Ginagalit mo ba ako?" Gusto ko na talagang umalis dito.

Hinawakan ko naman 'yong kamay ni Enzo, dahilan para gulat siyang mapatingin sa akin. Pati na rin 'yong iba. Hindi ko alam kung anong trip nila, pero gusto ko na talagang umalis dito. There was a person who is secretly looking at me.

I'm sure none of the eight boys are looking at me with a unexplainable look.

"U-umalis na tayo, m-masama na 'yong pakiramdam ko," nauutal kong sabi.

Alalang lumapit sa akin si Enzo, "Are you okay?"

Napatango nalang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil sa panginginig ng aking katawan. Why am I scared?

•••

"Here, uminom ka muna ng kape." Tinanggap ko ito at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Salamat," nakangiti kong sabi sa kanya.

Umupo siya sa upuan na kaharap ko at seryoso akong tinignan habang umiinom ako ng kape. I feel uncomfortable.

"So what the heck do you think you're doing? Cutting class? It's so not like you Celimine Luna," seryosong sabi ni Enzo. "And ang worst is kasama mo pa 'yong baliw na lalaki na 'yon. Paano nalang kung napahamak ka?"

"Sorry na, gusto ko lang naman maka bonding siya," sabi ko sa kanya.

Never once in my lifetime pinagalitan ako ng ganito? Siya 'yong ka una-unahang taong pinagalitan ako.

"Bonding? Para saan? Ka ano-ano mo ba siya? Friends mo ba siya?" he asked. "Or may crush ka sa kanya?"

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi, "H-huh?!"

"Iyun ba ang lalaking type mo?" tanong niya.

"Bakit mo ba naisip 'yan?" Pareho sila minsan ni Drein nag o-overthink.

He heavily sighed. "Huwag muna ulitin ang mag cutting class kasama niya. Masama akong magselos." Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi narinig ang huli niyang sinabi.

"Can you not tell mom about this?" Ayaw ko kasing mapagalitan. Ayaw kong madagdagan 'yong stress ko.

I really want to go back to my real world so badly. Kung bibigyan ako ng bagong buhay, dapat tapusin ko muna 'yong mga gawain ko in my present life.

"Don't worry, hindi ko sasabihin." Tumayo siya at seryosong tinignan ako dahilan para ma estatwa ako. The way he looked at me like parang gagawa ako ng mali na hindi niya magugustuhan. "Tabi tayo matulog ngayon."

Muntik pa akong masamid dahil sa sinabi niya. Bakit gusto ako makatabi ng mga lalaki this days? Para ba mabilis akong mapatay?

"Huh? Bakit naman? Nasira ba 'yong kwarto ko?" tanong ko sa kanya.

"No, para mabantayan kita," sabi niya. Cold pa rin ang tono ng boses niya.

"No need, hindi naman ako tata—" naputol ang sasabihin ko ng agad siya nagsalita.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo ngayon, Luna." Nilapit niya 'yong mukha niya sa akin dahilan para matigilan ako. Lalamig nalang 'yong kape ko. Hindi ko pa nauubos. "If you can't trust me, I can't trust you too, Luna."

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay lumisan na siya. Napabuga nalang ako ng hangin. I can't understand people this days.

Siguro hindi nga ako tao.

•••

"What the..." Sa isang iglap nandito na naman ako sa madilim na lugar na 'to at tanging dalawang ilaw lang ang nakatapat sa aming dalawa.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harapan ko. He looked at me with his playfull eyes.

"Parang dahan-dahan kang napalapit sa walong lalaki ah," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hey! Why don't you just bring me back to where i belong? Why do i have to die in the novel and stay with you? Ano bang mapapala ko dito?!" Naiinis na talaga ako.

Ilang araw na akong nagrereklamo. Ngunit kahit ni isa, hindi man lang siya naawa sa akin at ibalik ako sa totoo kong mundo.

"Malalaman mo rin 'yan soon, pero ngayon. Why don't you just enjoy your moment in the novel?" I rolled my eyes at him. Paano ako mag e-enjoy?! Eh kung mga tao sa paligid ko ay tinatangkaan na tapusin ang buhay ko?! I have to act like a kind and simple girl just so they don’t kill me!

"Do i really deserve this?! Ano bang kasalanan ko para ako pa ang malagay sa posisyon na 'to?!" Nakita ko naman siyang napa smirk.

"Kasalanan mo?" Napahinto ako at hinintay ang sasabihin niya. Napatingin siya sa akin dahilan para mapahinto ako. Why does that stare seem familiar? Parang nakita ko na 'yan dati. "Alalahanin mo kung anong kasalanan mo."

"M-may kasalanan ba ako sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at hinaplos ang pisnge ko. While looking deep into my eyes. That stare i saw that somewhere, hindi ko lang matandaan.

"Hindi ka pa rin nagbabago Luna," sabi niya. Napangiti ito, ngunit ang ngiti na ito ay may halong lungkot. I don't get it? Did we met before? "You're still the same when we first met."

"W-what? Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko.

Biglang nagbago ang tingin niya sa akin ng tinanong ko 'yon. Dumistansiya siya at tumingin sa akin na walang kabuhay-buhay.

"Binabalaan kita, Luna. You're just putting yourself in a great danger." Nagulat ako sa kanyang sinabi.

"What do you mean?! I did everything to make sure I could survive till the end?!" May ginalit ba ako? Wala naman akong natatandaan na may rason sila kung bakit nila ako papatayin? Hindi ko naman binully si Sol? And i didn't—

"Dahan-dahan na nagiging obsessed sa'yo ang walong lalaki, Luna." Natigilan ako sa kanyang sinabi.

"Huh?"

"Hindi mo ba nahahalata? You're slowly becoming the heroine."

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now