Chapter 59

4.3K 226 59
                                    

Nagulat ako ng niyakap ako ni Kio, "Luna, mamaya na 'yan. Usap muna tayo."

"I don't have much time left, Kio!" taranta kong sabi.

"Bakit Luna? Saan ka ba pupunta?" tanong ni Saichi sa akin.

"Aalis ka ba ulit?" mapaglaro na tanong ni Eros.

"Bakit pakiramdam ko na hindi ka na babalik once na umalis ka?" nakapuot na tanong sa akin ni Kio. "Luna~ wag mo ako iwan ha."

Natahimik sila lahat at napatingin sa akin. Aksidenteng nagtama ang mata namin ni Enzo. Muntik ko ng makalimutan na alam ni Enzo na hindi ako si Luna.

"H-hindi naman ako magtatagal," pagsisinungaling ko. "Babalik rin naman ako—"

"Oh Luna~ don't you dare lie to us." Napahinto ako sa kanyang sinabi. "You know how much I'm scared to lose you, Luna."

"Hindi naman ako magtatagal—"

"You're not going anywhere," seryosong sabi sa akin ni Enzo.

"Huh? Pero may kailangan pa—" naputol ang sasabihin ko ng agad lumapit sa akin si Enzo.

"Stay here, Luna... With me," sabi niya sa akin, nagtama ang mata naming dalawa at halatang seryoso ito.

"May alam ka ba na hindi namin alam, Enzo?" tanong ni Hevis kay Enzo.

Hindi lang ito nagsalita at nakatingin lang ito sa akin.

"Luna, hindi ka na ba babalik sa akin kapag umalis ka na?" malungkot na tanong sa akin ni Cl dahilan para mapahinto ako.

"I—" naputol ang sasabihin ko ng humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Kio.

"You won't leave me, right?" tanong ni Kio. "Mababaliw ako, Luna. Kapag iniwan mo ako."

"A-ano ba kayo?! Hindi naman ako aalis dito," sabi ko sa kanila.

"Good, stay with us, Luna. You don't need to go there." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Drein.

Come to think of it. Siya ang unang nagbigay ng warning sa akin, hindi kaya na sa kanya 'yong libro?

Hinila ako ni Kio at pinaupo sa kama. Niyakap niya pa rin ako.

"P-pwedeng bitawan mo muna ako?" Napapuot naman ito.

"Bakit Luna? Ayaw mo bang kayakap kita?" he asked.

"M-may gagawin pa kasi ako—" naputol ang sasabihin ko ng nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.

"Isa sa amin ang nagtago ng libro, Luna," sabi niya sa akin dahilan para mapahinto ako. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nakangiti ito ng nakakaloko. "What if ako 'yong may hawak ng libro?"

Napatingin ako sa kanya habang hindi ko maitago sa aking mukha ang pagkagulat, he giggled.

"Nagbibiro lang ako," natatawa niyang sabi. Tinuro niya si Saichi at Eros. "Isa sa kanila ang nagtago ng libro."

"Pwede mo bang sabihin sa akin—"

"Kailangan mong hulaan, Luna." Nilapit niya ang mukha niya sa akin at one wrong move baka magdadampi na 'yong labi namin. "Gusto kong makita kang nahihirapan, Luna."

"Mahal mo ba talaga ako?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Yes, I love you so much that I can sacrifice myself just for you," sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Napatingin ako kay Eros at Saichi. Isa sa kanila? Si Saichi ay two-faced, Mapagpanggap siya. Si Eros naman ay mapaglaro. Mahilig siyang makipaglaro.

Sino sa kanila? Shit! Naguguluhan na ako. Akmang lalapit ako sa kanila, pero mas lalong hinigpitan ni Eros ang pagkakayakap niya sa akin.

"Saan ka pupunta, Luna?" tanong niya sa akin habang nakapuot ito.

"Kay Saichi at Eros, I need to know—"

"Lalapit ka sa kanila? Baka magselos ako niyan?" Sinubsub niya naman ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang labi niya na nakadampi sa leeg ko. "Dito ka nalang, Luna. Wag na wag kang aalis sa tabi ko."

"Hoy! Lumayo ka na nga sa kanya!" inis na sabi ni Cl at tinulak si Kio.

"Ginagalit mo ba ako?" seryosong tanong sa kanya ni Kio.

"Ako dapat ang magtanong niyan," seryosong sabi sa kanya ni Cl.

Napailing na lamang ako at lumapit sa kanilang dalawa. Anong gagawin ko?

"Pwede bang makipag-usap sa inyo?" I asked.

Napatingin sila sa isa't-isa, "Ako nalang ang kausapin mo, Luna. Wala namang kwentang kausap si Eros."

"Luna, baka mapatay ko siya kapag siya 'yong kinausap mo? You don't want to see a blood spill everywhere, right?" Napailing nalang ako at sumeryoso ang tingin ko sa kanila dahilan para mapahinto sila.

"Ilabas niyo na," seryoso kong saad sa kanila.

"Ang ano?" inosenteng tanong ni Saichi.

"Ang libro na Chasing Love." Napahinto sila sa aking sinabi.

"Wala sa akin," sagot ni Eros.

"Me too," sabi ni Saichi.

"Please guys, ibigay niyo na sa akin. Kailangan ko ang libro!" alala kong sabi sa kanila. "Gagawin ko ang lahat ng gusto niyo kapag binigay niyo ang libro sa akin!"

Napangiti ng nakakaloko si Eros, "Really? You seem to like that novel very much. Don't worry, hahanapin ko 'yung libro mamaya. Kapag nakalabas na tayo dito."

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa dahilan para mapahinto sila.

"Guys please, para sa akin."

"I'm sorry, Luna. Wala talaga sa akin. Gusto mo, ako nalang kunin mo," malungkot na sabi ni Saichi.

Napabuga nalang ako ng hangin, "I have no choice but to do this!"

Nagulat si Eros ng agad ko siya tinulak ng pinakamalakas, dahilan para mapahiga siya sa sahig. Pumatong ako sa kanya at sinira 'yong t-shirt niya.

"Luna! What are you doing?!" gulat na tanong ni Cl.

Ng masira ko na ang damit niya ay wala akong makita na libro. Akala ko tinago niya dito. Napakagat nalang ako ng labi.

"L-luna, hindi ko a-akalain na ang wild mo p-pala," nauutal na sabi ni Eros habang namumula ang pisnge.

Umalis ako sa pagkakapatong at hinanap ang libro kung saan-saan at ng wala akong mahanap ay napaupo ako sa sahig.

At umiyak na ako, natahimik sila lahat.

"What should I do? Huli na ba ang lahat?!" Sana naman gumana 'yong pag iyak ko.

Kailangan ko na talaga ang libro na 'yon.

"Ilabas niyo na nga 'yong libro!" Cl shouted.

"Shit?! Ilabas niyo na!" sigaw ni Enzo.

Napahinto ako ng may lumapit sa akin at tumalungko ito para mapantayan ako, habang hawak na hawak ang libro.

"Ito ang tatandaan mo, Luna. Kahit saan ka man magpunta ay susundan kita." Napatingin ako sa kanya.

Saichi?

Chasing Love: Eight Boys ObsessionWhere stories live. Discover now