Chapter 45

4.3K 220 25
                                    

"Kailangan ko na silang dalhin sa bahay nila," saad ko.

"Now? Why don't you stay for a little bit? Kababago mo lang nakarating dito," sabi niya sa akin.

I rolled my eyes at him, "They need to go home, tignan mo oh. Sobrang lasing na nila and can you help me please? I can't do this by myself?!"

He chuckled at lumapit sa akin akmang hihilahin na niya si Cl papalayo sa akin pero nagulat ako ng hinigpitan ni Cl ang pagkakayakap niya sa braso ko.

"No!" Para itong bata kung umasta. Tinuro niya si Kiel dahilan para mapatawa ng marahan si Kiel. "Hindi mo kami mapapaghiwalay ni Luna. A-alam kong gusto mo siya.... At hindi ko hahayaang maagaw mo siya sa akin, L-luna is my girlfriend."

Napatingin ako kay Kiel dahil sa sinabi ni Cl, pero napa smirk lang ito.

"Paano ba 'yan? He don't want to let you go." Napatingin siya sa ibang lalaki. "And same to the other boys."

"What should i do?" Pinapapunta lang ba ako ni Saichi dito, para alalayan sila? Nakakaloka.

"Iwan mo nalang sila dito o may dalhin ka na isa sa kanila." Napa cross arm ito. "Choose only one, Luna."

Palipat-lipat ang tingin ko sa tatlo at napakagat nalang ako ng labi. Napatingin ako sa kanya.

"Pwede ikaw nalang?" Ang hirap kasi mamili sa tatlong 'to, pareho silang sakit sa ulo.

Nakita kong tumalikod ito dahilan para mapakunot ang noo ko. Tsk, ang sama niya talaga. Wala talaga siyang balak tulungan ako.

"N-nagawa mo pang magbiro ng ganyan." Pinanliitan ko siya ng mata ng makita kong dahan-dahan namula ang tenga niya.

Napabuga ako ng hangin at tinignan sila.

"Si Drein nalang." Napatingin siya sa akin ng seryoso. O ano na naman ang problema nito?

"Do you like the crazy one?"

"What?"

"Nevermind." Napaiwas ito ng tingin at lumapit na sa pinto at pinagbuksan kami ng pinto.

Inalalayan ko si Drein na makalakad at lumabas na kami sa bahay ni Kiel.

"Sorry pala sa nagawa nilang gulo," paumanhin ko sa kanya.

He smiled, "Be careful, Luna."

Napangiti ako at napatango bago tuluyang umalis.

•••

Nandito kami sa kwarto ko. Ayaw kong pumunta sa bahay niya, baka hindi na ako makalabas doon?

Tinapon ko siya sa kama at napahinga ng malalim. Kahit ang payat niya, napakabigat niya, mabuti nalang at nakayanan ko pang dalhin siya dito.

"Luna~" Banggit niya sa pangalan ko. "A-ang init ng katawan ko."

Napahinto ako sa kanyang sinabi.

"Wait lang." Akmang huhubarin ko 'yong t shirt niya pero napahinto ako ng tumingin siya sa akin.

"Luna~ h-hubarin mo lahat ng suot ko~"

"Ha?" Parang hindi ako makagalaw dahil sa kanyang sinabi.

"L-luna, a-ang init. Napaka init." Aatras na sana ako pero nagulat ako ng hinila niya 'yong kamay ko at napahiga ako sa kama.

Chasing Love: Eight Boys ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon