Chapter 33

82 7 16
                                    

Paggising ni kiyota medyo masakit ang kaniyang ulo dala ng sobrang kalasingan kagabi.

Samantalang sila jin at maki naman kinakabahan sa resulta dahil ngayong araw na mismo nila malalaman ang resulta ng DNA test ni kiyota at nung bata.

"Goodmorning baby!" ngiting bati ni zia at akmang hahalik sa pisnge ni kiyota pero umiwas si kiyota

"pwede ba zia wag ngayon" inis na sabi ni kiyota at nagtungo sa sala

"oh kiyota gising kana pala kumain kana ba?" tanong ni jin

"wala akong gana kung luto ni zia naka lapag sa lamesa" pagsusungit ni kiyota

"kiyota handa kana ba malaman ang resulta ng DNA test niyo?" tanong ni maki

"handang handa na ako dahil alam ko na hindi saakin yun" seryosong sabi ni kiyota

Lumapit naman sakanila si zia at tumabi kay kiyota

"alam mo kiyota you should accept the fact na may anak kana" sabi ni zia

"mag bihis kana kiyota at ikaw din zia aalis na tayo" sabi ni maki at sininnod naman nila ito

=======

Nang matapos na sila makapag handa sumakay na sila sa kotse ni jin dahil hindi magamit ni kiyota ang sasakyan niya dahil isa ito sa parusa na ibinigay sakaniya ng mga magulang nito.

Habang nasa byahe tahimik lang si kiyota habang si zia naman kinukulit si kiyota na buhatin niya ang anak nito.

"baby look oh gusto magpabuhat sayo anak mo" sabi ni zia

"pwede ba zia wag mo muna ako sagarin baka hindi ako makapag pigil sayo" inis na sabi ni kiyota na ikina tahimik ni zia

Mula ng mawala si zeigh hindi na muli naibalik ang dating kiyota lagi na itong umiinom at hindi narin pumapasok sa school dahil nawalan na ito ng gana mula ng mawala din ang babaeng inspirasyon niya.

"kiyota wag mo idamay yung bata sa galit mo kay zia walang kinalaman yan sa issue niyo" sermon ni maki kay kiyota

"atsaka ikaw din zia wag mo muna masyadong ipagsiksikan ang sarili mo kay kiyota alam naman nating lahat na si zeigh lang ang babaeng gusto niya hanggang ngayon" sabi naman ni jin

"what the heck! Puro nalang zeigh! Wala na kayong bukambibig kundi yung haliparot na babaeng yun hello? Matagal na siyang wala so pwede kalimutan niyo na siya!" inis na sabi ni zia na ikina init ng ulo ni kiyota at maki

"shut the fuck up zia! Wala kang karapatan sabihin yan sa babaeng mahal ko tandaan mo wala pang kasiguraduhan kung saakin ba yang batang yan!" galit na sabi ni kiyota na hawak hawak ang braso ni zia

"zia itahimik mo yang bibig mo kung ayaw mong ako makalaban mo" seryosong sabi ni maki

Wala naman nagawa si zia kundi tumahimik dahil nasindak ito sa galit nila maki at kiyota.

=======

Makalipas ang ilang minutong byahe narating na nila ang isang hospital kung saan kukuhanin ang result ng DNA test.

Habang naglalakad sila siya naman walang sawang kaka text ni zia sa phone habang si jin naman ang nag buhat sa bata.

"zia sino ba yang ka text mo hindi ba yan makakapag hintay?" inis na tanong ni kiyota dahil dinig na dinig nito ang pagtype ni zia sa phone.

"ahh ehh si mama n-nag text may sakit daw" agad na sagot naman ni zia

Hindi na muli kinausap ni kiyota si zia at nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad.

Halos apat na minuto lang narating na nila ang lab kung saan nila kukunin ang DNA test

Si maki ang kumatok at pinagbuksan naman sila ng pinto

"pumasok po kayo" aya ng babae sakanila

Pumasok sila at naupo habang tinawag naman ng babae ang may hawak ng result.

Ilang sandali pa dumating na ang result ng DNA test.

"ahmm mr kiyota kung ano man ang maging resulta ng  DNA test mahalagang ihanda ninyo ang iyong sarili" paalala nito

"please sabihin niyo na po ang result ayoko ng paligoy ligoy pa" seryosong sabi ni kiyota

Inalis sa envelope ang result ng DNA test at lahat sila halatang kabado sa resulta

"mr kiyota t---" hindi pa man naitutuloy ang pagbasa ng result pinutol ito ni kiyota

"sabi ko ayoko ng paligoy ligoy kaya pwede po ba sabihin niyo na kung mag ama ba kame o hindi" may diin na sabi ni kiyota

"kiyota kumalma ka" sermon sakaniya ni maki

"okay mr kiyota ang resulta ng DNA test niyo ng anak ni miss zia
is......."

Maging si zia kabado ito pero ayaw niya ipahalata kila kiyota.

"Zero percent, ibigsabihin po nito hindi mo anak ang kay miss zia"

Nang malaman nila ang resulta nagkaroon ng tuwa at sigla sa mukha nila kiyota, maki at jin samantalang si zia naman hindi makapaniwala sa resulta.

"no way! Baka nagkamali lang kayo ulitin natin yung DNA test!" galit na sigaw ni zia

"miss zia dalawa ang ipinagawa ni mr maki na DNA test dahil isa sa mga staff namin ang nagsabi kay mr maki at saakin na binayaran mo ang staff namin para pekehin ang DNA test" salaysay nito na ikina gulat naman ni zia

"walang hiya ka talaga eh noh! Lahat gagawin mo makapanakit ka lang ng tao!" galit na sabi ni kiyota habang hawak ang dalawang braso ni zia

"kiyota tama na yan ang mahalaga nalaman na natin na hindi sayo ang batang yan pwede na natin hanapin si zeigh" masayang sabi ni jin

Napalitan naman ng ngiti ni kiyota ang kanyang inis.

Nagsimulang umiyak ang bata na ikina inis lalo ni zia

"ano ba! Tumahimik ka nga! Dahil sayo hindi siya mapapasaken!" sigaw ni zia sa anak nito

Lumapit si kiyota at kinuha ang bata kay zia

"zia kung ang sarili mong anak hindi mo kayang alagaan at tratuhin ng maayos mas mabuti pang iwanan mo nalang siya saamin kami na bahalang mag alaga at ikaw wag na wag kana palakita saamin" seryosong sabi ni kiyota

"sayong sayo na yang batang yan ayoko naman talaga ipagbuntis yan" sabi ni zia na ikina inis nila maki, jin at kiyota

Umalis nga si zia habang sila maki, jin at kiyota naman isasama nila ang bata pauwi.






I'M BACKKKK

Please support my fanfiction of slamdunk i hope you'll like it mwuahh!

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now