Chapter 13

65 7 0
                                    

Araw ng myerkules at wala kaming pasok ngayon dahil may seminar ang mga teacher namin.

"Anak si kiyota hinatid kaba kagabi?" Tanong ni mama

Tahimik lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot kay mama dahil hindi pa ako pinapansin ni kiyota ni chat o text man lang wala dati kasi nag chat or text ito.

"Anak may problema ba kayo?" Tanong ni papa

"Ah wala po" ngiti kong sabi

"Ate!" Paglalambing ni hakira saakin at binuhat ko naman ito

"Anak ipasyal mo naman kapatid mo sa playground at nang makapag laro naman kahit papaano" sabi ni mama

"Opo ma, hakira tara punta tayo sa playground" ngiting sabi ko sa kapatid ko atsaka ibinaba para makapag lakad ito.

Lumabas na kami at naglakad papunta sa playground.

Ilang minuto lang at naka dating na kami sa playground at agad naman tumakbo ang kapatid ko sa may slide
Naupo naman ako sa may damuhan at pinagmamasdan ko lang ang mga batang naglalaro.

"Mama!!!!!!" Iyak ng bata dahil hindi niya mahanap ang mama niya

Pinuntahan ko ito at nilapitan dahil umiiyak parin ito nakaka awa naman kung hindi ko siya papansinin.

"Bata ano pangalan mo?" Tanong bigla nung nasa likod ko

Nilingon ko naman ito at nakitang si kiyota ito kaya agad akong umayos.

"Kiyota" mahinang sambit ko

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ulit ni kiyota

"Angel po" umiiyak na sambit ng bata

"Anak" tawag ng babae sa bata

Kinuha ng babae ang bata at umalis na sila.

Paalis na sana si kiyota pero pinigilan ko ito.

"Kiyota sandali!" Hinawakan ko ang damit nito para pigilan siya.

"Bakit ba? Madami pa akong gagawin." Sambit nito

"Kausapin mo naman ako please" naiiyak na sambit ko

Humarap ito saakin at wala itong expression sa mukha niya ang seryoso niya naninibago talaga ako sakaniya

"Ano paba dapat natin pag usapan" seryosong sabi nito

"Bakit ba hindi mo ako pinapansin?! Alam moba na nagaalala na ako sayo! Na mimiss kona yung kiyota na kilala ko hindi ka naman ganyan ah! Bakit ba nagbago ka? Babe bakit?..." Umiiyak na sambit ko

"Gusto mo malaman kung bakit?" May diin nitong sabi

"Oo gustong gusto ko malaman kiyota!" Umiiyak na sabi ko

"Nagseselos ako!, Nagseselos ako sainyo ni fujima!" Galit na sambit nito

Napatigil naman ako sa kakaiyak ko at hinarap ko siya.

"Nagseselos ka kay fujima? Kiyota hindi mo dapat siya pagselosan dahil una sa lahat magkaibigan lang kami at pangalawa may nililigawan na yun kaya wala kang dapat ika selos!" Paliwanag ko

Nakita ko naman na nawala ang seryosong aura ni kiyota at napalitan ito ng maaliwalas na mukha.

"T-talaga?" Tanong nito

"Oo totoo yun" sagot ko at yumuko

"Babe i'm sorry" naiiyak na sambit nito

"Sorry kung hindi ko muna hiningi side mo bago ako naging ganto sayo sorry din kasi nasaktan kita i'm very sorry babe iloveyou" sabi nito at niyakap ako at pinunasan ang luha ko

"Ate!!!" Sigaw ng kapatid ko na nasa may maliit na swing.

"Kasama mo pala si hakira" ngiting sabi ni kiyota

"Ah oo sabi kasi ni mama ipasyal ko siya" sagot ko

Nilapitan namin ang kapatid ko at nilapitan naman ni hakira si kiyota
At niyakap nito ang binti ni kiyota na siya namang ikina tawa namin.

"Hello baby hakira" ngiting sabi ni kiyota at ginulo ang buhok ni hakira

"Ahm hakira tapos kana ba maglaro?" Tanong ko

"Opo" masayang sagot nito

"Ah babe gusto mo kumain muna tayo ng barbeque doon sa may tapat nayun?" aya ni kiyota

"Sge ba basta libre mo wala akong dalang wallet ngayon eh hehe"

"Oo naman tara na"

Umalis na kami sa playground at nagpumta na kami sa may nag ba- barbeque sa tapat ng playground

"Hakira eto oh hotdog yan lang kasi pwede mo makain eh" sabi ni kiyota at binigay kay hakira ang isang hotdog

"Thankyou" ngiting sambit ni hakira

"Ikaw babe anong gusto mo kainin?" Tanong nito.

"Ah yun nalang isaw paborito ko yan eh hehe" sagot ko at ianbutan ako ng isaw

Kumain din siya ng isaw dahil kung ano daw ang kakainin ko yun nalang daw ang sakaniya hahaha.

"Ang ganda niyo naman tignan" ngiting saad ng tindera saamin.

"Salamat po hehe" ngiti kong sabi

"Kailan pa kayo kinasal? Atsaka ilang taon na yung anak niyo?" Ngiting tanong ng tindera na ikina gulat namin

"Po?!, Hindi po kami mag asawa atsaka kapatid ko po yung batang toh 5 years old na po siya at boyfriend ko naman po ito" paliwanag ko

Halos mabulunan kami ni kiyota sa sinabi ng tindera.

"Ay ganun ba sorry akala ko kasi mag asawa na kayo"

"Sa ngayon hindi pa po pero soon" sambit ni kiyota

Nahiya ako sa usapan nila paano kasi ang daldal nitong si kiyota ang advance masyado mag isip haha

"Ate i want to go home na" sabi ni hakira at humawak sa kamay ko

"Mukhang inaantok na si hakira" sabi ni kiyota at mukha ngang antok na ang kapatid ko

"Ahm magkano po yung babayaran namin?" Tanong ni kiyota

"175 lahat iho masyado kayong napa enjoy eh kayo na yata papakyaw ng paninda ko hahaha" pabirong sabi ng tindera saamin

Matapos mag bayad ni kiyota umuwi na kami at hinatid niya kami hindi naman malayo ang playground sa bahay namin kaya ilang minuto lang makaka dating na kami sa bahay.

"Babe sorry ulit ah" sabi nito habang hawak hawak kamay ko

"Okay lang yun basta wag kana magselso ah"

"Opo babe hindi na ako magseselos promise ko po yan sayo"

"Good!"

"Ahm hakira pasok kana sa loob ah? Andun si mama at papa sa loob" sabi ko sa kapatid ko at sinunod naman niya ito

"Babe iloveyou so much" saad nito atsaka ako hinalikan sa labi

"Iloveyou most babe" sagot ko at hinalikan din siya sa labi

"Na miss kita alam moba na gustong gusto na kita talaga kausapin kaso pinaiiral ako ng selos ko akala ko kasi may something kayo ni fujima eh kaya nag selos ako hehe"

"Naku ikaw talaga wala kaming something magkaibigan lang talaga kami nun yun lang at wala ng iba okay?"

"Oh sge na babe pasok kana may practice pa din kasi kami eh iloveyou" saad nito atsaka ako hinalikan sa noo

"Sge ingat ka galingan niyo" ngiti kong sabi at kumaway na sakaniya

Masaya ako na nagka ayos na kami medyo natatawa ako dahil pinagselosan niya yung si fujima kung malalaman ni fujima na pinagselosan siya ni kiyota matatawa yun panigurado hahaha.








Please support my fanfiction of slamdunk i hope you'll like it mwuahh!!

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon