Chapter 28

71 8 7
                                    

Matapos ko malaman ang lahat lahat para akong isang robot na walang emosyon patuloy sa pagluha at pagmumok.

"anak desidido kana ba talaga umalis?" tanong ni mama habang karga karga si hakira

"oo ma sigurado na ako gusto kona malayo sa sitwasyon na toh pagod na yung lahat saakin ma" umiiyak na sabi ko

Pumasok naman si papa at nilapitan ako nila mama at niyakap.

"anak alam kong malalagpasan mo din ang lahat ng ito sa ngayon bigyan mo muna ng panahon yung sarili mo na makapag isip ng tama" sabi ni mama

"anak ready na yung ticket mo papuntang canada ready na rin yung sasakyan natin" sabi ni papa at kinuha na nito ang dalawang maleta ko at isang bag.

Nang makalabas na kami sinakay na ni papa ang mga maleta ko at ako naman nagpaalam na kila mama at hakira.

"hindi ka muna ba magpapaalam sa mga kaibigan mo zeigh?" tanong ni papa

"hindi na po pa, mas okay na muna sigurong sila jai,kiara at mika lang ang nakakaalam na aalis na ako"

"anak lagi kang magiingat doon ah lagi mong tatandaan na andito lang kami para sayo" ngiting sabi ni mama

"ma alis na po ako baka mahuli pa ako sa flight" paalam ko at sumakay ng kotse

Habang sa byahe nakatulala lang ako minsan kinakausap ako ni papa sinasagot ko naman pero iba parin yung lungkot dahil napamahal na ako sa lugar na toh.

=======

Nang nasa airport na kami nagpaalam na ako kay papa na papasok na ng airport ng biglang may mga dumating.

"babe!" sigaw ni kiyota na patakbo papunta saamin kasama sila jai at sila maki at jin

Andito nanaman yung kirot sa dibdib ko.

"zeigh mag usap tayo please wag naman ganito" naiiyak na sabi ni kiyota

"ano paba dapat nating pagusapan narinig kona ang dapat ko marinig kiyota" seryosong sabi ko

"zeigh sorry nagpumilit eh" paumanhin nila jai saakin.

"kiyota iho hayaan na muna natin si zeigh" sabi ni papa kay kiyota at tinapik ang balikat nito

"tito ayoko pong mawala si zeigh saakin" umiiyak na sabi nito

"talaga ba? Kaya pala gumawa ka ng ganyang problema."

"zeigh aaminin ko ang laki ng kasalanan ko sayo pero zeigh wag naman ganito wag mo akong iwan please" pagmamakaawa nito at nagtangkang hawakan ako pero umiwas ako

"hindi na magbabago ang desisyon ko kiyota ayokong lumaki yung batang walang kasalanan ng walang ama tandaan mo kiyota magiging ama kana magakakroon kana ng pamilya. Pamilya na pinagarap nating dalawa pero sa iba natupad"

"zeigh please wag mo ako iwan" umiiyak na sabi nito

"tama na kiyota pagod na ako!" naiiyak na sabi ko

"papanagutan ko yung bata pero hindi ako magpapakasal kay zia" kiyota

"sa ayaw at gusto mo kailangan niyong maikasal dahil may nabuo kayo may magiging dahilan na ng pagsasama niyo"

"anak mahuhuli kana" sabi naman ni papa

"paalam na sainyo"

"zeigh wag!" umiiyak na sigaw ni kiyota

"kiyota tama na muna nasaktan mo ng sobra si zeigh kaya hayaan na muna natin siya" sabi ni maki

"kiyota tara na" jin

"i'm sorry iho" papa

======

Nang nasa loob na ako ng eroplano nakatulala lang ako at blanko ang isip ko

Nasasaktan ako ngayon gusto ko umiyak at sabihin sakaniya na mahal ko parin siya kahit ganun ang ginawa niya kaso wala ng mangyayare kahit sabihin ko yun dahil magkakaroon na siya ng pamilya na minsan naming pinangarap.

======

Canada

Nakalabas na ako ng airport at hinintay ang sundo ko.

"zeigh!!!" ngiting tawag ni mari saakin at niyakap ako

"mari!" sabay yakap sakaniya

"na miss kita ng sobra" ngiting sabi nito

"na miss din kita mari simula ngayon kasama muna ako"

Ilang sandali pa at nasa bahay na kami ni mari.

"zeigh iha!" ngiting sabi ng mama ni mari

"tita na miss ko kayo huhu" sabi ko at niyakap ko si tita jane

"dalagang dalaga kana ah" sabi ni tita

"si zeigh naba yan?" ngiting tanong ni tito john

"opo ako na po ito tito!" ngiting sabi ko at niyakap naman ako ni tito

"nabalitaan namin ginawa sayo ng boyfriend mo" sabi ni tita

"ma ex na niya" bulong ni mari kay tita

"gusto moba i dakdak ko sa ring yun?" biro ni tito

"tito talaga napaka palabiro"

"aba dati kaming ace ng papa mo ang dami ngang babaeng nagkakandarapa saamin noon eh" pagmamalaki ni tito

"asusss ang yabang!" kontra ni tita at natawa naman kami.

"tama na muna yan kumain na muna tayo"

Pumasok kami at yung mga maids na nila ang nagasikaso ng mga gamit ko habang kami nag nagtungo sa dining area

"kain lang ng kain zeigh  feel at home ah" ngiting sabi ni tita

"zeigh gusto mo ba mag shopping tayo after natin kumain?" ngiting tanong ni mari

"awiee sgesge!" ngiting sabi ko

"kamusta na pala yung mama at papa mo tagal na ng huli naming usap eh"  tita

"okay naman po tita si mama parin ang nag aalaga kay hakira ayaw kumuha ng maid para kay hakira"

"hay naku ang mama mo talaga ang hilig mag solo ng trabaho" tita

"alam mo zeigh dito makaka move on ka sa ex mong yun" sabi ni mari

"oo totoo yun zeigh" sang ayon ni tito

"maraming mga gwapo dito noh!" natatawang sabi ni mari

"ehem! Baka nakakalimutan mo may mitsui kapa sa japan!"

"siya nga pala zeigh kamusta na si mitsui?" tanong ni mari

"ayos naman siya pero hindi kona siya madalas makita eh busy kasi sila mag practice"

"gusto namin makita yung mitsui na yun ah" kinikilig na sabi ni tita

"nakita na namin siya sa picture at masasabing kong gwapo siya at nakwento ni mari isa daw MVP yung si mitsui kaya lalo akong ginaganahan makita siya" sabi naman ni tito

"bakit hindi niyo po bisitahin sila mama at papa at tiyak ko na makikilala niyo na po si mitsui ng buhay ni mari" natatawang sabi ko

"binabalak nga namin na mag bakasyon sa japan next month para kahit papaano mabisita namin yung kinalakihan naming bansa"

"dito kana rin magpapatuloy ng pagaaral mo zeigh?" tanong ni tito

"opo dito na same school lang po kami ni mari"

"maganda yun at ng nay magbantay kay mari" sabi ni tita

"ma naman wala maman akong ginagawang masama sa school eh"

"asuss" pabirong sabi ni tita at nagtawanan naman kami


Please support my fanfiction of slamdunk i hope you'll like it mwuahh!!

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now