Chapter 27

76 6 3
                                    

Maki p.o.v

"jin anong gagawin natin?!" tarantang sabi ko

"hindi ko din alam kahit ako blanko ang utak ko" inis na sabi din ni jin

"tawagin mo nga siya!" inis na sabi ko

Ginawa naman ni jin ang sinabi ko.

"oh ano sabi?" tanong ko

"papunta na daw" sabi ni jin

Maya maya pa ay may nag doorbell

*ding dong*

Agad naman pinagbuksan ni jin ang nag doorbell

"bakit ngayon ka lang?!" inis na sabi ko

"maki sorry sa nagawa ko pero pwede mo naman ako tulungan ngayon hindi ba?" naiiyak na sabi ni kiyota

"malamang kailangan kita tulungan dahil ang laki ng gulong pinasok mo kiyota!" galit na sabi ko

Hindi naman napigilan ni kiyota ang maiyak.

"kumalma na muna tayo maki hayaam natin siya na i kwento lahat" sabi ni jin

Umupo kame sa may sofa at hinintay ang sasabihin ni kiyota.

"n-nangyare yun nung gabing nalasing ako hindi ko namalayan na lasing na ako basta ang alam ko marami rami ang nainom ko, nasa condo kami ni zia nun tapos wala akong alam sa nangyare dahil pag gising ko ng umaga wala na akong damit ganun din si zia!" umiiyak na kwento ni kiyota

"bugok kaba?! Bakit kapa kasi uminom na kasama pa yung si zia!" inis na sabi ko

"hindi ko sinasadya maki patawarin niyo ako" sabi nito

"kung kami hirap ka namin intindihin paano pa kaya yung babaeng hanggang ngayon naghihintay at umiiyak ng dahil sayo" seryosong sabi ni jin

"mahal ko si zeigh yun ang totoo n-nadala lang ako ng selos at galit ko aminin ko malaki ang naging kasalanan ko sainyo lalo na kay zeigh" umiiyak na saad nito

"kiyota ayusin mo ang gulo na pinasok mo dahil kapag nalaman ito ni zeigh ewan ko nalang kung hindi yun madurog sa sobrang sakit" sabi ni jin

"wag niyo ipaalam sakaniya pakiusap" pagmamakaawa ni kiyota

"kami mapapakiusapan mo pero yung si zia? Malabo!"

"kakausapin ko siya na wag sabihin kay zeigh" sabi ni kiyota

"bugok sa tingin mo ba makikinig siya sayo? Wala yata kasing sama yung babaeng yun eh!" inis na sabi ko

"alam mo bang alalang alala na si zeigh sayo miss na miss kana nung tao nangungulila na siya sa pagmamahal mo kiyota! Tapos ikaw? Pahalik halik ka lang sa babaeng yun tapos ngayon?! May nangyare na sainyo! Tangina naman kiyota! Paano mo napapaliwanag kay zeigh lahat ng toh na hindi siya nasasaktan at hindi siya nadudurog sa sakit!" galit na sabi ko

"hindi ko alam....hindi ko alam.." umiiyak na sabi ni kiyota



Kinabukasan....

Zeigh p.o.v

"hay! Ano bang pwedeng gawin ngayong sabado nakakainip" busangot na sabi ni jai

"eh kung ayain natin kumain ng samgy sila maki atsaka yung iba" suggest ni kiara

"baka busy nagpapractice yung mga yun" nakasalukbaba kong sabi

"zeigh wag mo sana masamain tanong ko pero wala ka bang balak kausapin ulit si kiyota?" tanong ni mika

"alam niyo gustong gusto kona siya kausapin ang kaso paano eh lagi niya nalang kasama yung si zia tapos itataboy lang ako nun kapag nilapitan ko"

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now