Chapter 1

471 20 10
                                    

Ako si Zeigh seki nag aaral ako dati sa shoyo high school pero pinalipat ako nang mga kaibigan ko na nag aaral sa KAINAN dahil hindi ko sila matiis nagpasya na ako lumipat sa Kainan.

"Zeigh!!!" Ngiting bunggad ni jai saakin nang makita nila akong papasok sa school.

"Oh kayo pala bute nakita ko kayo wala pa naman akong masyadong kilala dito" naka busangot na sambit ko.

"Sya nga pala zeigh hindi ka namin kaklase eh" malungkot na sabi ni mika saakin

"Ano? Nakaka lungkot naman, sino na makaka usap ko sa loob nang classroom" naka pout ba sambit ko

"Wag ka mag alala kapag break time pupuntahan ka namin tapos mag bobonding tayo" ngiting sabi ni kiara saakin

*Ringgggg*

Nag ring na ang bell nang school hudyat para sa unang klase.

"Sya nga pala bago tayo magkahiwalay zeigh yung section mo is sa section 5 goodluck!" Ngiting sambit ni jai

Nagmadali akong umakyat sa palapag nang mga second year at agad ko namang nakita ang section 5.

Pag bukas ko nang pinto wala pa naman ang prof namin kaya naka hinga ako nang maluwag agad na nakita ko ang bakanteng upuan sa may ikalawang row. Umupo ako doon pero napansin kong bakante ang nasa tabi kong lamesa sa ikatlong row kanino kaya yun.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang prof namin.

"Goodmorning class" bati nito saamin

"Goodmorning professor haiko" bati nila samantalang ako hindi ko binanggit ang ngalan nang prof namin eh wala nga kasi akong alam sa school na toh eh.

Nang maka upo kame bigla nalang bumukas ang pinto at may iniluwal itong isang lalaki na sa tingin ko dito sya sa section na ito may kahabaan ang buhok nya, hindi kaya bawal ang mahabang buhok para sa mga lalaki dito.

"MR. NOBUNAGA!!!!" inis na sigaw nito sakanya

"Sorry prof na late nang gising eh" sagot naman nung si nobunaga kay prof.

"Hay naku! Maupo kana dun at may sasabihin ako sainyo" sambit ni prof at umupo na nga siya.

Sakanya pala yung bakanteng pwesto sa tabi ko sa may row 3.

"Okay class may bago kayong classmate galing sya sa shoyo high school maari kang tumayo sa harapan at magpakilala" pagkasabi na pagkasabi ni prof agad akong tumayo at tinignan ako nang mga classmate ko kabilang narin si nobunaga.

"Ako nga pala si Zeigh seki at galing ako sa shoyo high school kinagagalak kong makilala kayong lahat" ngiting pagpapakilala ko

"Zeigh ang ganda naman nang pangalan mo"

"Oo nga atsaka ang ganda nya rin naiinggit tuloy ako"

"Zeigh may boyfriend kana ba?"

Papuri nila saakin at natutuwa naman ako pero hindi ako yung klase nang babae na kapag nasabihan nang magaganda eh lalaki na yung ulo.

"Sge na maupo kana ulit Zeigh" ngiting sabi ni prof"

Nag discuss lang ito saamin at hindi nag tagal natapos narin ang oras nya saamin.

May mga sumunod na subject. Hindi ako naiinip sa mga subject pero ang lalaking katabi ko mukhang tulog na tulog.

"Okay yun lamang para sa araw na ito" sabi ng prof namin atsaka lumabas

Nagsilabasan narin ang mga classmate ko dahil uwian na sa totoo lang maaga pa kaya yung iba maglilibang na muna siguro.

Paalis na sana ako nang makita kong mahimbing parin ang tulog ni nobunaga nahihiya naman akong gisingin ito dahil malay koba na pagod pala ito.

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now