Chapter 21

70 5 3
                                    

KAINAN HIGH.

Kiyota p.o.v

Araw ng lunes ngayon at nasa classroom ako at hinihintay si zeigh malapit na magsimula ang klase pero wala pa ito ayaw naman niya magpasundo saakin bakit ba iniiwasan niya ako hay!

"Goodmorning professor haiko" sabay sabay naming bati ng maka pasok na si prof haiko

"Okay today may quiz tayo kaya sana nakapag review kayo habang naka bakasyon kayo ng iilang araw" saad ni prof haiko na ikina gulat namin

"Pero prof wala ka naman po sinasabi saamin na may pa quiz tayo ngayon" sabi ni mia

"Kailangan ko paba sabihin yun? Hay naku kayo talaga alam niyo naman na tuwing lunes nagpapa quiz ako ang haba haba na nga ng bakasyon niyo hindi niyo pa nakuhang mag review!" Sermon saamin ni prof haiko

Nasaan na ba si zeigh baka mahuli siya sa quiz namin, papasok kaya siya.

"Attendance muna tayo" sabi ni prof haiko at kinuha ang attendance notebook niya.

Hindi ko muna pinansin ang pag a-attendance dahil iniisip ko parin si zeigh dahil late na siya kung tutuusin.

"Nobunaga kiyota" prof haiko

"Present prof" sambit ko at itinaas ang kanang kamay ko

"Okay girls na tayo" saad naman ni prof haiko

"Mia"

"Present po"

"Angel"

"Present"

Nagdaan na ang ibang girls sa attendance list at ang sunod ay si zeigh na naku yare wala pa siya.

"Zeigh seki" prof haiko

Nagkatinginan naman ang mga classmate namin dahil nagtataka din sila kung bakit wala pa si zeigh.

"Zeigh seki?" Seryosong sabi ni prof

"Ah prof wala po si zeigh" saad ko at halatang nainis naman si prof haiko dahil hindi niya din akalain na magagawang lumiban ng klase ni zeigh dahil matalino ito sa kalse niya.

"Mr nobunaga may alam kaba kung bakit wala siya?" Tanong ni prof

"Wala po prof eh hindi rin sumasagot sa mga text o tawag ko ultimo chat wala din po" sagot ko dito.

Napabuntong hininga nalang si prof haiko at wala siyang nagawa kundi ituloy ang quiz kahit wala si zeigh.

Nag simula na kaming mag quiz at hindi naman ako makapag focus dahil iniisip ko parin si zeigh dahil ngayon lang niya ginawa ito ang pagliban sa klase.

Ilang minuto ang nakalipas at natapos na ang quiz namin nagpasa na ako ng papel at ganun din ang mga classnate ko.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Natapos na din ang klase namin at hindi na nga talaga pumasok si zeigh kaya naman bakas sa mukha ko ang lungkot.

Nagtungo ako sa locker room upang magpalit ng damit para makapag practice aaminin ko wala ako sa mood mag practice ang kaso magagalit naman si coach kapag hindi ako nag practice.

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now