Chapter 2

173 12 12
                                    

Maaga akong nagising dahil nakakahiya naman kung kay bago bago ko late na nga ako.

Naligo na ako at nag bihis, bumaba ako para mag almusal at nakita ko naman si mama na at bunso kong kapatid na si hakira seki.

"Anak kumain kana dito at nang hindi ka mahuli sa klase mo" mama

Umupo na ako at ipinag hain naman ako ni mama.

"Sya nga pala anak kamusta yung bagong pinapasukan mo ngayon?" Tanong ni papa saakin

"Okay naman po, ang babait nga po nila eh unang pasok ko palang may mga naging kaibigan na ako masaya ako dahil sa kainan ako naka pasok" ngiting sambit ko

"Mabuti naman kung ganun anak pero kapag may umaway sayo sabihan mo lang ako at nang makalbo ko yun" pagtataray ni mama

"Wala naman po siguro mama mababait sila saakin eh atsaka yung mga player po doon ang babait sila pa nga po nag hatid saamin nila jai pauwi eh"

"Aba mukhang mabait nga sila ah sana mag tuloy tuloy yun" naka ngiting sabi ni mama

Nang matapos ako kumain nag handa na ako para pumasok dahil ayoko ma late sa unang klase ko.

Naglalakad ako nang makasabay ko sila jai,kiara at mika

"Zeigh! Alam mo kinikilig ako kahapon" biglang sabi ni jai

"Paanong hindi ka kikiligin eh halos nakay maki ang tingin mo" kiara

"Eh ikaw nga nakay jin lang ang tingin mo eh!" Pang aasar nito

"Nag away pa kayo eh pareho lang naman kayong halos maluwa ang mata kakatitig kila maki at jin eh" naniningkit na sambit ni mika

"Eh ikaw ba zeigh hindi kaba kinikilig kay kiyota?" Tanong ni jai

"Naku hindi dahil tulad nga nang sabi ko kaibigan lang ang turing ko atsaka ayoko muna pagtuunan nang pansin yung lovelife ko ang mahalaga saakin is yung grades ko"

"Naks ang sipag ah! Sana all" natatawang sambit ni mika

Ilang minuto pa at nakadating na kami sa school marami rami na rin ang student na nasa paaralan.

"Oh pano mauna na kami zeigh ah kita nalang tayo mamayang uwian" ngiting paalam nila

Nagkahiwalay na kami at ako naman pumunta na sa palapag nang mga 2nd year. Pag bukas ko ng pinto gaya nang nauna wala pa ang prof namin pero nang pag pasok ko napansin kong andito na si kiyota mukhang maaga na sya pumasok ah.

"Goodmorning kiyota" ngiting bati ko

"Goodmorning din zeigh" ngiting bati rin nito saakin

"Buti hindi kana nagpa late ah"

"Ayoko masermonan ni prof eh hehe" sambit nito

Bumukas naman ang pinto at iniliwal nito ang prof namin si professor haiko.

"Magandang umaga sainyo" prof

"Magandang umaga din po professor haiko" sabay sabay naming bati sakanya

Nag discuss lang sya nang nag discuss, hindi ko maiwasan mapalingon kay kiyota para kasing kanina pa sya naka tingin sa may gawi ko ayoko naman isipin na ako tinitignan nya dahil hindi ako assuming na babae.

Bumukas muli ang pinto at may pumasok na isa pang prof

"Pasensya na sa istorbo pero inaanunsyo ko na maagang mag dismissal dahil may importanteng meeting ang mga bawat prof pero bago kayo magsi alisan linisin at ayusin nyo na muna sana ang iyong classroom yun lang at maari na kayong umuwi" anunsyo nang prof na pumasok

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now