Chapter 12

70 9 7
                                    

Maaga akong nagising dahil ayoko ma late eh hehe, habang naglalakad ako may naka bungguan ako na lalaki medyo matigas ang katawan nito kaya masakit ang pagkabungguan namin.

"Aray ko" daing ko dahil napa upo

"Sorry miss okay ka lang ba?" Tanong nung lalaki

Tumayo ako at pinagpag ang palda ko at tinignan ko yung lalaking naka bungguan ko at nagulat ako dahil si kenji fujima ng shoyo ito.

"Oh ikaw pala zeigh" ngiting sabi nito

"Hello hehe"

Hindi ko nabanggit kahit kanino na close kami ni fujima dahil siya yung naging bestfriend ko sa shoyo nun hindi ako laging nanonood ng laro nila, wala akong gusto kay fujima dahil kaibigan lang ang turingan namin.

"Babe!" Tawag ni kiyota na tumatakbo papunta saamin.

"Babe  sorry na late ako ng gising hehe" kamot ulo nitong sabi

"Diba tiga kainan ka?" Tanong fujima na siya namang ikina gulat ni kiyota

"Fujima?!" Gulat na sambit ni kiyota

"Teka magkakilala kayo ni fujima?" Takang tanong ko

"Oo babe magkakilala kami naka laban din kasi namin sila at sila din ang pumapangalawa saamin noon pero ngayon ang shohoku na" paliwanag ni kiyota

"Ah kaya pala" tango kong sabi

"Magkakilala pala kayo ni kiyota nobunaga" sabi ni fujima

"Ah oo boyfriend ko siya" ngiting saad ko

"Talaga? Wow haha nagbago kana dati study lang ang gusto mo tapos ngayon may boyfriend kana congrats zeigh!" Masayang sabi ni fujima

"Salamat" ngiti kong sabi

"Magkakilala din kayo babe?" Tanong ni kiyota

"Ahm babe hindi kopa pala nasabi sayo na si kenji fujima close friend ko nung nasa shoyo pa ako hanggang ngayon pa din naman mag kaibigan kami" paliwanag ko

"Zeigh mukhang hindi kana tumangkad ah" asar ni fujima saakin

"Wow ah porket tumangkad ka lang ngayon saakin nang aasar kana haha"

"Atsaka napansin ko pumayat ka ah siguro mahina ka kumain noh?" Tanong ni fujima

"Oo eh diet eh hahaha" natatawa kong sabi

"Sus! Wag kana mag diet sexy kana noh atsaka ang puti mo at ang ganda pa oh diba!"

"Naku nambola pa ang bestfriend ko!" Sambit ko at inakbayan ko ito

Nagtawanan kami ng nagtawanan ng biglang umalis nalang bigla si kiyota ng walang sinasabi saakin.

"Oh asan na yun" takang tanong ko

"Nauna na yata sayo" fujima

"Siguro nga, oh paano fujima next time nalang ulit ah baka ma late na kasi ako sa klase ko hehe ingat!" Paalam ko

Nagmadali akong magtungo sa classroom namin ng maka dating ako sa school nakita kong andun na ang prof namin at late na pala ako ng 7 minutes patay ako netoh.

Binuksan ko ang pinto at naka tingin silang lahat saakin.

"Bakit late ka ms.seki?" Seryosong tanong ni prof haiko

"Ahm prof may emegency kasi sa bahay eh kaya na late po ako" pagdadahilan ko hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nagkipag kulitan muna ako kay fujima

"Ganun ba osige maupo kana dun"

Naupo na ako pero napansin kong wala si kiyota sa upuan niya nasaan kaya yun bigla nalang kasi nawala kanina eh.

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now