Chapter 17

68 9 1
                                    

Ang saya ng naging group date namin kahapon kahit halos humiwalay na kaluluwa ko.

"Zeigh thankyou ah" saad ni mari at niyakap ako

"Ano kaba okay lang yun noh atsaka kay mitsui ka dapat magpasalamat dahil pumayag siya"

"Paano ko ba siya mapapasalamatan? Ipagluto ko nalang kaya?" Sabi nito at kumalas sa pagkakayakap saakin.

"Magandang idea din yun tapos personal mong ihatid sakaniya" ngiting sabi ko

Nag agree naman siya at nagluto ng chicken roll para kay mitsui.

Tinulungan ko naman ito sa simpleng gagawin para hindi ito matagalan sa pagluluto sinabi ko din sakaniya na gumawa siya ng thankyou letter para kay mitsui.

"Okay naba yan?" Tanong ko sakaniya

"Ah oo tapos na ibabalot ko nalang at ilalagay sa tupperware then ilalagay ko sa paper bag with the thankyou letter" ngiting sagot nito

"Alam mo ang bait ni mitsui noh?" Biglang sabi nito

"Oo naman mabait talaga siya atsaka silang lahat mabait talaga sila" ngiting sagot ko

"Alam mo kung ako ang masusunod mas pipiliin kong mag stay dito dahil masaya ako dito dahil sainyo sana nga at dito nalang ako pinag aral ni mommy" may lungkot na sambit nito

"Ano kaba mari kahit naman umuwi ka dun pwede naman tayo mag video call eh"

"Ang kaso hindi kopa alam mga name nila sa facebook eh" naka ngusong sabi ni mari

Kinuha ko ang phone ko at ipinakita ko sakaniya ang mga name nila sa facebook.

"Eto naman kay mitusi ang name niya sa facebook is mitsui then yung nay nickname na mr m.v.p"

Inadd ni mari lahat ng member ng bawat team para naman maka usap niya ang nga ito kahit malayo siya saamin.

"Oh ano tara na?" Tanong ko

"Sge tara na" ngiting sabi nito

"Anak saan kayo pupunta?" Tanong ni papa na kabababa lang ng hagdan.

"May bibisitahin lang po kaming kaibigan" ngiting sagot ko

Umalis na kami at nagtungo kami sa gym ng shohoku dahil alam naman namin na nagsisipag magpractice ang shohoku ngayon dahil gusto nila maging number one sa japan.

Ilang sandali pa at naka dating na kami sa shohoku high.

"Kinakabahan ako zeigh" ngiwing sabi nito saakin

Hinawakan ko naman ang kamay niya at medjo nagulat ako ng maramdaman na malamig ang kamay nito.

"Huy! Wag ka nga kabahan hahaha" natatawa kong sabi

Nagtungo na kami sa gymnasium at nakita nga namin sila na nagpapractice sa may bandang kaliwa naman nakita namin si mitsui na tinuturuan si sakuragi ng shooting.

"Ahm hello hehe" nahihiyang bati ko

"Oh zeigh, mari kayo pala hali kayo at maupo kayo dito" ngiting aya saamin ni ayako

Lumapit naman kami ni mari pero bago kami pumasok tinanggal muna namin ang sandals namin.

"Bakit nga pala kayo napa rito mari" tanong ni mitsui ng maka lapit ito saamin.

"Ah kasi mitsui gusto ko sana ibigay sayo itong ginawa kong chicken roll sana magustuhan mo" nahihiyang inabot ni mari kay mitsui ang paper bag.

"Sana hindi kana nag abala pa mari ayus lang naman sakin yun eh available talaga ako kahapon kaya sinamahan na kita" ngiting sagot naman ni mitsui

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now