Chapter 18

64 9 0
                                    

Nang maka dating na kami sa hospital kung saan dinala si kiyota agad na kami nagtungo kung nasaan siya.

"Zeigh" naiiyak na sabi ng mama ni kiyota

"Tita ano pong nangyare kay kiyota?bakit po siya na aksidente?" Ng aalala kong tanong

Flash back

"Maki una na ako" paalam ni kiyota dito

"Sgesge ingat ka" ngiting sabi naman ni maki kay kiyota

Umalis na si kiyota at kasalukuyang naglalakad papunta sa shohoku kung saan nalaman niyang andun si zeigh.

Habang nag lalakad si kiyota ng biglang maramdaman niya ang matinding pagkirot ng ulo niya

Hinawakan nito ang ulo niya dahil sobrang sakit na nito nanlalabo narin ang paningin ni kiyota at hindi na ito makapag focus dahil sa iniindang sakit.

"Arghhh!" Sigaw nito dahil sa sobrang sakit

Hindi namalayan ni kiyota na may paparating na kotse at hindi niya ito nailagan kaya naman nabunggo ito.

Eng of flash back

"Tita may sinabi na po ba ang doctor?" Tanong ko

"Hindi pa sila lumalabas mula sa emergency room nag aalala na ako" umiiyak na sabi ng mama ni kiyota

"Shhh tahan na tita magiging okay din po si kiyota tiwala lang po"

"Zeigh andito na kami" sambit nila ryota ng maka dating sila

"Bakit ba ang tagal niyo?" Tanong ni ayako

"Humanap pa kasi kami ng nasasakyan eh kaya natagalan" paliwanag ni mitsui

"Kamusta na pala si kiyota?" Tanong ni ryota

"Hindi pa daw lumalabas ang doctor magmula nung dinala dito si kiyota" paliwanag naman ni haruko

Naupo kami sa may bench ng hospital at dinadamayan ko ang mama ni kiyota.

"Hon kamusta na si kiyota?" Tanong ng papa ni kiyota ng maka dating ito

"Saan kaba nanggaling? Kanina pa din ako nag aalala sainyong dalawa" naiiyak na sabi ng mama ni kiyota

"Tita tahan na po magiging okay din po si kiyota"

"Zeigh ayos ka lang ba?" Tanong ni haruko saakin

"Hindi haruko nag aalala din kasi ako kay kiyota" naiiyak na sabi ko

Hinaplos naman ni haruko ang likod ko para kahit papaano mapagaan ang dinadamdam ko.

"Tita tito asan si kiyota?" Tanong ng isang babaeng kadarating lang

"Zia?!" Gulat na sabi ni maki dito na ikina taka naman namin

"Yes it's me zia inoue, by the way tita anong nangyare kay kiyota" saad nung si zia na may pag aalala sa mukha nito

"Lakas ng loob" bulong ni jin

Sino naman kaya itong zia parang hindi maganda pakiramdam ko sakaniya hay! Ewan koba

"Na aksidente si kiyota" sagot naman ng papa ni kiyota.

"What?! Oh my gosh ano na pong balita sakaniya?" Tanong muli nito

"Hindi pa namin alam dahil hindi pa din lumalabas ang doctor mula sa emegency room" sagot ng mama ni kiyota

Umupo ito sa tabi ng mama ni kiyota at nang magkasalubong ang tingin namin parang nakaramdam ako ng kaba.

Ilang minuto ang naka lipas at sa wakas lumabas na ang doctor

"Doc kamusta na po anak ko?" Tanong ng mama ni kiyota

"Ayos na po siya he's fine na kailangan nalang siya mailipat sa kwarto niya excuse me" saad nung doctor at umalis na ito.

Naka hinga kaming lahat ng maluwag dahil sa binalita ng doctor, inasikaso naman ng mga nurse si kiyota para mailipat sa kwarto.

Ilang sandali pa at pumasok na kami sa kwarto ang ibang team naman nauna na dahil may kanya kanya pang lakad, sila ayako naman nauna na din para ituloy ang practice nila na hindi natuloy.

Bali ang nasa loob lang ng kwarto ako, mama ni kiyota, papa niya sila maki at jin at yung zia.

"Ma" sambit ni kiyota ng magising ito

"Anak anong masakit sayo?" Nagaalalang tanong ng mama ni kiyota

"Ma wala nang masakit sakin okay na ako" sagot naman ni kiyota

"Kiyota how are you?" Tanong ni zia kay kiyota at hinawakan nito ang kamay ni kiyota

Habang pinagmamasdan kong naka hawak kamay siya kay kiyota parang tinutusok ng karayom ang puso ko.

"Zia? Bakit ka andito?" Tanong ni kiyota

"Why? Don't you miss me?" Tanong nito at niyakap nito si kiyota

"Zia please stop!" Inis na sabi ni kiyota at tinanggal ang pagkaka yakap sakaniya ni zia

"Why? Ano bang problema kung yakapin kita" zia

"Wala nang tayo zia!" Inis na sabi ni kiyota na ikina gulat naman ni zia

Naging sila?..

"Zeigh" ngiting tawag ni kiyota saakin at sinenyasan ako na lumapit.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako dahil ang sama ng titig ni zia saakin na para bang sinasabi na wag ako lumapit.

"Ah kiyota m-may gagawin pa kasi ako sorry ah bisitahin nalang kita bukas" naka yuko kong sabi at dali dali lumabas ng kwarto

Pag labas ko doon ko palang nalanghap ang sariwang hangin sa kwarto na yun kasi parang sinasakal ako.

"Zeigh ayos ka lang ba?" Tanong ni maki na lumabas din

"Maki ex niya ba talaga yun?" Tanong ko ng naka yuko

"Oo pero dati yun dahil iniwan ni zia si kiyota para sa ibang lalaki sumama si zia sa lalaki sa america dahil mas mayaman yung lalaking pinalit niya kesa kay kiyota" paliwanag ni maki

Hindi ko alam kung ano iisipin ko kase nabablanko na ako.

"Zeigh!" Tawag nila jai

"Hindi mo naman kami sinabihan may nangyare pala kay kiyota" pag tatampo ni kiara

"Zeigh may problema ba?" Tanong ni mika ng mapansing tahimik ako

"Wala" tipid na sagot ko at ngumiti sakanila

"Btw si mari hindi niyo kasama?" Tanong ko

"Hindi eh kausap niya kasi parents niya nung sunduin namin sainyo" sabi ni kiara

"Eh diba magkasama kayo kaninang pumunta kayo sa shohoku?" Jai

"Oo kasama ko siya at kasmaa ko din siya pumunta dito ang kaso sumabay siya kina haruko dahil may emergency daw" paliwanag ko

"Siya nga pala kamusta na si kiyota?" Tanong ni jai kay maki

"Ayun okay na at gising na siya ang kaso...may problema" sagot ni maki

"Ha? Anong problema?" Tanong ni kiara

"Yung ex ni kiyota andito at nasa loob" sabi ni jin ng maka labas ito at makalapit saamin.

"Kaya pala ang tamlay ng mukha mo zeigh" sabi ni mika

"Zeigh wag mo nalang intindihin yung si zia ikaw naman ang mahal ni kiyota eh kaya wala kang dapat ipag alala" saad ni kiara

Ngumiti nalang ako sakanila at nagpaalam na umuwi dahil nawalan na ako ng gana ewan ko basta feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko.







Please support my fanfiction of slamdunk i hope you'll like it mwuahh!!

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now