Chapter 9

72 11 4
                                    

Dalawang araw ang naka lipas at naka labas na ako sa hospital masayang masaya ako dahil naging okay na rin ako.

"Anak handa kana ba?" Tanong ni mama

Ngayon namin kasi makaka harap yung mga babaeng walang awang bumugbog saakin na halos patayin na ako.

"Opo ma" ngiting sabi ko

*Ding dong*

Lumabas naman ako para tignan kung sino ang mag doorbell. Nakita kong si kiyota kaya naman pina pasok ko.

"Uy kiyota ikaw pala hehe"

Sumimangot lang ito kaya naman nagtaka ako kung bakit kay hapon hapon at naka simangot siya.

"Bakit ka ba naka simangot kiyota?" Tanong ko

"Ikaw kase! Kiyota ka ng kiyota eh babe nga tawagan natin eh!" Naka simangot na sagot niya

"Ay sorry hehe"

"Ewan ko sayo"

"Sorry na babe iloveyou" saad ko at hinalikan siya sa pisnge

"Sge na nga pasalamat ka marupok ako sayo hehe"

"Oh kiyota, zeigh tara na at aalis na tayo" mama

Sumakay na kami sa kotse ni papa at nag punta na kami sa may police station para harapin yung mga babae.

Ilang minuto at naka dating na kami sa may police station.

Papasok na kami sa loob ng police station nang hawakan ni kiyota ang kamay ko.

"Relax ka lang kasama mo kami" naka ngiting sabi nito.

"Ma'am&sir dito po tayo" sabi nung babaeng pulis at sinamahan kami sa isang kwarto kung saan doon pinag uusapan lahat ng kaso.

Naka pasok na kami at nakita kong muli ang mga babaeng nagbugbog saakin, hinawakan naman ni kiyota ng mahigpit ang kamay ko.

"Maupo po kayo"

Umupo kami sa may kanan at kaharap namin ang mga babae at yung magulang nila.

"Andito tayo ngayon upang i settle ang kasong ito malaki ang nagawang kasalanan ng mga anak niyo at kung tutuusin parang hindi gawain ng isang normal na tao ang ginawa ng mga anak niyo, bibigyan ko kayo ngayon mag salita about sa kaso." seryosong saad nung pulis.

"Patawarin mo kami" sabi nilang anim pero wala akong ibinigay na sagot sakanila

"Nagawa lang namin yun dahil nagseselos kami" saad nung may kaiklian ang buhok.

"Tsk, napaka tapang niyo nung binugbog niyo si zeigh tapos ngayon para kayong mga batang nagtatago sa palda ng magulang niyo." Galit na sambit ni kiyota

"Kung sana naisip niyo yan nung una pa lang hindi sana ito nangyare!" Naiiyak na sabi ni mama

"Mga wala kayong awa sa anak namin! Halos mamatay matay na anak namin dahil sainyo!" Galit na sambit ni papa

"Kami na pong mga magulang nila ang humihingi ng patawad sa napaka laking ginawang kasalanan ng mga anak namin" sabi nung mga magulang nung anim na babae

"Walang kapatawaran ang ginawa ng mga anak niyo sa anak ko! Ang dami nila nag isa lang anak ko!" Mama

Walang gustong lumabas sa bibig ko tahimik lang ako habang sila nag sasagutan basta wala akong masabi dahil ayoko na pang kausapin ang mga babae.

"Ano ang gusto mo mangyare bilang ikaw ang biktima?" Tanong nung babaeng pulis

"Gusto ko lang po magkaayos ayos ayoko po ng gulo kahit na galit ako sakanila kase wala naman madudulot ng mabuti kung magpapalamon ako sa galit ko mas maganda na yung may kapatawaran" seryosong saad ko.

Mr. Nobunaga (ON-GOING)Where stories live. Discover now