CHAPTER 34

3.3K 107 9
                                    

ALTHEA
4 PM nagising si Alethea at 'yon din ang oras na pagpunta ni Verity at Jethro para kausapin daw si Alethea.

Hinayaan namin ni Jet yung tatlo dahil mukhang nagtatampo si Alethea kay Jethro.

Naririnig ko ang boses ni Jethro, nasa living area kasi kami ni Jet. "Talk to me, little alet." Sabi ni Jethro.

Hindi talaga siya pinapansin ni Alethea dahil parang wala lang sa kaniya.

"Alet talk to your kuya." Saad ko.

Tinignan niya ako at ngumuso ito. "Mommy he will still leave me."

"No he will now. Di'ba sabi ni Mama Verity mo iiwan niya sa atin ang kuya mo. It's still not clear for you, baby?" Malumanay na saad ko.

Tinignan niya si Jethro. "Okay kuya, We're okay naw."

Ngumiti si Jethro. "Finally."

Naghilahan sila sa may garden ng bahay.

"Thea, aalis na ako. Aasikasuhin ko pa yung mga gamit ko." Paalam ni Verity.

Niyakap ko siya. "Thank you, magiingat ka ver."

Tumango siya at niyakap ako pabalik. "Bibisitahin ka namin minsan doon." Saad ko.

"Aasahan ko 'yan. Kung gusto ni Alethea na sumama sa kuya niya after highschool pwedeng pwede." Saad niya.

Humiwalay na siya ng yakap at nagpaalam na ito sa mga bata bago siya umalis.

Naramdaman ko na may yumakap sa bewang ko. "Jet."

"Let's go on a date." Bulong na anyaya niya.

Humarap ako sa kaniya at mahinang hinampas siya. "Alam mo kaya nagtatampo ang mga bata sa atin hindi mo sila inaaya."

"Beauty, I just want to be alone with you. No kids." Diin nito sa panghuli.

Napailing na lang ako. "Kaya mo ba hindi tayo kausapin ng mga bata? Kasi ako hindi ko kaya."

"Bakit ba kasi napakatampuhin ng dalawa?" Tanong niya.

"Kanino ba sila nagmana? Edi sayo." Sagot ko.

Nakita ko kung paano siya umiwas ng tingin. "Hindi naman e."

"Ipagkakaila mo pa." Naiiling na saad ko.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Pag inaya ba kita na magpakasal papayag ka?" Tanong niya.

"Hindi ba't masyadong mabilis para sa ganyan?" Tanong ko.

"Kung sigurado ka pa din sa akin ay hindi naman mabilis." Sagot niya.

"Sigurado naman ako e." Saad ko.

"So pag inaya kita magpakasal gusto mo? Hindi ka nagsisisi?" Tanong niya.

Tumango ako at tinignan siya sa mga mata. "Oo."

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon