CHAPTER 28

3.4K 119 8
                                    

KINABUKASAN ay hindi talaga ako pinapansin ni Jet.

Mukhang totoo na hindi kami bati, napailing na lang ako. Kahit na kailan talaga.

Naabutan ko yung dalawang magkapatid na naglalaro. Nanood si Jet ng tv.

Napatingin siya sa kinaroroonan ko tapos ay umirap siya.

Tumabi ako ng upo sa kaniya pero lumayo siya. "Totoo talaga to?" Tanong ko.

"Huwag mo ako kausapin, hindi tayo bati."

"Pero nagsalita ka." Saad ko.

"Hmp."

Pinisil ko yung braso niya. "Bakit ba hindi tayo bati?" Tanong ko.

Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala. "Really beauty?"

"Dahil ba pinalabas kita?"

"Oo." Sagot niya at napanguso siya.

"Ang tanda tanda mo na napakatampuhin mo. Hindi ka pa din nagbabago." Dagdag na saad ko.

Ngumuso siya lalo. "Sayo lang naman ako ganito e."

"Ano ba gusto mo para bati na tayo?" Tanong ko.

Nakita ko kung paano nagliwanag yung mga mata niya at bumaba ang tingin nito sa labi ko.

"Kiss."

Lumapit ako lalo at dinampian ng halik sa labi. "Okay na?" Tanong ko.

"'Yon lang?"

Kunot noo na tinignan ko siya. "Ano pa ba?"

"5 more please."

"Demanding mo talaga kahit na kailan, hindi nawala." Saad ko.

"Huwag na nga!" Naghihimutok na saad niya.

"Ito naman kaagad nagtatampo."

"Ikaw kasi kung ano ano pa sinasabi mo, halikan mo na lang ako. Naiinip na ako." Saad niya.

Napailing na lang ako at dinampian ulit siya ng halik kagaya ng gusto niya. "Bati na tayo?"

Ngumiti siya at tumango tapos ay yumakap sa bewang ko. "Mamaya na tayo pumunta sa bahay nila dad, hayaan mo sila maghintay."

"Hindi ba parang nakakahiya? Hinihintay nila tayo." Sabi ko.

"Ano ka ba, walang nakakahiya 'don." Saad niya.

"Kumain na kayo?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo kaninang 7:30 am. Hindi na makapaghintay yung mga bata."

"Coffee?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yes please."

"Okay, wait me here." Sabi niya bago umalis.

Ilan minuto lang ay bumalik na siya na may dalang tasa ng kape at isang plato na may pancake.

Inilagay niya sa may coffee table. "Kain na beauty, masarap yan kasing sarap ng nagluto."

"Jet no baka may nilagay ka dito." Sabi ko.

"Wala naman lason 'yan, beauty. Pagmamahal ko lang nilagay ko."

Napangiti ako. "Thank you, jet kahit kalokohan mo hindi nagbabago."

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Kumain ka ng marami." Saad niya bago itinuon ang tingin nito sa pinapanood.

Ako naman ay kumain na, nakinood din ako kahit wala akong maintindihan sa basketball na pinapanood ni Jet.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon