CHAPTER 32

3.3K 108 17
                                    

"KAYO NA BA ULIT NI JET?" Tanong ni Verity.

Natigilan ako doon sa tanong niya. "Hindi ko alam at isa pa nakipag-ayos ako atsaka pinatawad ko na siya dahil kay Alethea." Saad ko.

Pinisil niya ang kamay ko. "Alam mo na matagal ka na niya hinihintay at ibig sabihin na nagkaayos na kayo ay kayo na ulit."

"Hindi ko alam e, hindi pa namin napagusapan 'yon. Isa pa sinabi ko naman sa kaniya na kay Alethea na lang siya bumawi pero ayaw niya. Gusto niya kaming pareho." Naiiling na saad ko.

Ngumiti siya. "You know your man, he wants you back no matter what." Saad niya.

Tinignan ko siya. "Hindi ba parang matanda na kami para sa ganyan? Okay naman kami."

"Ano ka ba, Thea. Wala sa edad 'yan. Ang mahalaga mahal niyo pa din ang isa't isa."

"Siguro ay kailangan namin magusap?"

Tumango siya. "Much better, palagi ka niya binabanggit tuwing pumupunta siya dito para dalawin si Jethro."

Napanguso ako. "Sige, maguusap kami mamaya."

"By the way, nagusap na ba kayo ni Jethro tungkol sa pag-alis niyo?" Tanong ko.

Napabugtong hininga siya. "Ayaw niya sumama."

"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko.

"Siguro ay maguusap kami ng maayos para malinawan siya, siguro highschool ay kailangan niya talaga umuwi sa America." Saad niya.

"We will visit you, don't worry." Saad ko.

Naglalambing na yumakap si Verity sa braso ko. "Namiss talaga kita, Thea."

Hinaplos ko yung buhok niya. "Namiss din naman kita, Ver."

"Tara ipagluluto kita." Saad niya bago tumayo at hinila ako sa braso.

Nakangiti na tumayo ako at pumunta kami ng Kitchen Area, nanonood lang ako habang nagluluto siya. Minsan ay nagkukwento kami kung ano mga ginagawa namin 5 years ago.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa bewang ko. "Ang bango naman."

Humarap ako sa kaniya. "Sino mabango?"

"Ikaw." Sagot niya.

Humarap ako kay Verity na busy pa din sa pagluluto. "Ver, maguusap lang kami ni Jet."

"Go on, take your time." Saad ni Verity.

Pumunta kami ni Jet sa living area, umupo siya at pinaupo naman niya ako sa hita niya. "Alam mo tinanong ako ni Verity kung tayo na ulit."

"Anong sinabi mo?" Tanong niya.

"Sabi ko ay hindi para sa atin. Pero ayaw mo kasi gusto mo bumawi ka sa amin. Tapos sabi niya ay parang ganon na din 'yon. Tayo na ulit."

Ngumiti siya. "Tayo na ulit?" Tanong niya.

Nahihiya na nagsumiksik ako sa leeg niya. "Ano ba ginagawa natin? Ilan weeks na tayo nagdadate."

Hinalikan niya ang balikat ko. "Together again." Masayang saad niya.

Napangiti ako. "Nahihiya tuloy ako." Mahinang saad ko.

Hinawakan niya ako sa balikat at pinatingin sa kaniya. "Bakit ka naman nahihiya sa akin? Hindi naman ako iba sayo e."

"Kasi para tayong bumalik noon, parang college ulit tayo kung kiligin ako." Nahihiyang saad ko.

Natawa siya. "No one will stop you, beauty." Saad niya at dinampian niya ng halik ang labi ko.

Pagkatapos ay tinignan ko siya sa mata. "I love you, beauty."

"I love you too, Jet." Nahihiyang saad ko.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon