CHAPTER 25

4.2K 125 15
                                    

Binuhat ni Jet si Jethro at hinawakan niya sa kamay si Alethea.

"Uwi na tayo." Anyaya niya.

Nagpaalam na kami kay Papa bago ako sumakay sa kotse niya, nagtaxi lang kasi kami ng mga bata.

Habang nasa biyahe kami ay naguusap lang si Jet at si Alethea, si Jethro naman ay tulog pa din.

Ilan oras lang ay tumigil siya sa harapan ng bahay niya.

"Mommy pwede dito po ako matulog kay Daddy?" Tanong ni Alethea.

Tumango ako. "Ihahatid ko mamaya yung damit mo para makaligo ka."

Tumango si Alethea. "Thank you, Mommy." Saad niya.

Bumaba na ako at tinulungan si Alethea na makababa ng sasakyan. Si Jet naman ay binuhat si Jethro.

"Can you stay a little bit, beauty?" Tanong ni Jet.

Tumango ako, sumunod ako papasok ng bahay.

"Mommy." Tawag ni Alethea.

Napatingin ako sa kaniya. "Hm?"

"Pwede po ba tayo huwag na umuwi ng Bacolod?" Tanong niya dahilan para matigilan ako.

"Alet we can't." Malumanay na saad ko.

"Please mommy? Gusto ko lang makasama si Daddy at Kuya." Saad niya.

Nag-angat ako ng tingin, nahuli ko na nakatingin sa amin si Jet dahil tumigil siya sa pagakyat sa itaas.

"I want a complete family. Mahirap po ba 'yon na hindi na tayo umalis?" Tanong niya.

Hindi ko makuha sumagot, dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa anak ko para malinawan siya.

"Little alet, let's go. Kailangan niyo na magpahinga ng kuya mo." Sabi ni Jet.

Tinignan muna ako ni Alethea bago umakyat kasama ang daddy niya.

Napabugtong hininga ako at umakyat din. Pumunta ako sa may balcony ng bahay.

Nakatingin lang ako sa buong paligid ng maramdaman ko na may tumabi sa akin.

Alam ko si Jet 'to.

Tinignan ko siya sandali bago ibinalik ang tingin ko sa buong paligid.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik 'dyan." Tanong niya.

"Okay lang lang ako, tulog na ba sila?"

"Oo." Sagot niya.

Tumango ako at humarap sa kaniya. "Kailangan ko na umuwi."

"Hindi ba pwede dito ka na muna?"

Umiling ako. "Ayoko magtagal at isa pa pinagusapan na natin na si Alethea ang priority mo at hindi ako kasama 'don."

"Alam ko naman 'yon, ayaw mo isama kita sa priority ko para makabawi din sayo."

Tinignan ko siya. "Wala na ako panahon para sa ganyan. May anak na tayo sa kaniya mo na lang ibigay ang atensyon mo at kay Jethro."

"Alam mo ba kahit sa panaginip ko niloloko mo pa 'din ako." Saad ko.

Umiling siya. "Nagbago na ako, beauty."

"Hindi ko alam, siguro dahil masakit pa kahit sobrang tagal na 'non yung tipo na kahit sa panaginip ko nakikita kitang nagloloko."

Nilapitan niya ako at niyakap, hindi ako yumakap pabalik. Hinayaan ko siya. "Nagbago na ako, I don't have affairs."

Humiwalay ako. "Kailangan ko na umuwi." Pagiiba ko.

"Ihatid na kita."

Umiling ako. "Huwag na, walang kasama yung mga bata."

"Mag iingat ka, Beauty." Saad niya.

Hinalikan niya lang ako basta sa labi, ngumiti siya. "I will wait for you, Beauty." Sabi niya.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon