CHAPTER 31

3.3K 108 29
                                    

EVERY WEEK palagi ako inaaya ni Jet na magdate, yung mga anak namin ay nagtatampo na kung bakit daw umaalis kami na hindi sila kasama.

Parang ngayon, ganito ang nangyayare. Halata sa mga mukha nila na nagtatampo sila.

"Hindi niyo ba kami papansinin ng daddy niyo?" Tanong ko.

Unang humarap si Alethea, nakanguso siya. "Hmp! Go with daddy, don't talk to me po, Mommy." Saad niya.

"Go on, Mama." Malamig na saad ni Jethro.

Napalunok ako. Mukhang nakuha ni Jethro ang ugali ng daddy niya pag galit.

Tinignan ko si Jet na nasa tabi ko. "Look jethro and little alet. Come on, don't be like this. Huwag na kayo magtampo." Saad ni Jet sa mga bata.

"You both always go out without us, should we go back to Bacolod, Mommy?" Malungkot na saad ni Alethea.

Niyakap ko siya. "Don't be sad, Alet. Aalis tayong apat. Huwag na kayo malungkot at magtampo." Saad ko.

Humiwalay ako ng yakap kay Alethea, hinawakan ko naman ang kamay ni Jethro. "Huwag ka na magtampo kay Mama. Babawi kami sa inyo ng daddy niyo."

"Okay." 'Yon ang nasabi ni Jethro.

"Maybe it's time to talk with Verity, Beauty. Matagal ka na niya gusto makasama. Gusto din niya ipakilala ang asawa niya sayo." Saad ni Jet.

Huminga ako ng malalim at tumango. "Let's go."

Hinawakan ko sa magkabilang kamay si Jethro at Alethea, nakangiti na sila. Sumakay na kami ng kotse.

Habang nagmamaneho ay iniisip ko ang posible na pagusapan namin ni Verity. As much as possible gusto ko makalimutan na lahat ng nangyari noon at gusto ko na magpatawad para tuluyan na ako sumaya, para sa kanila at para sa sarili ko.

Ilan minuto lang ay tumigil kami sa bahay ni Verity. Bumaba na ako, tinulungan ko makababa ang mga bata.

"Let's go, Little Alet. I want you to meet your second mommy." Nakangiting sabi ni Jethro sabay hila papasok kay Alethea.

'Little Alet' na din ang tawag ni Jethro sa kaniya dahil para gusto nito kung ano ang tawag ni Jet kay Alet ganon din dapat si Jethro dahil Kuya daw siya.

Narinig ko pa ang tanong ni Alethea bago sila nakapasok ng bahay.

"She is pretty, like mommy?" Tanong ni Alethea.

"Yes, she is goddess like Mama." Sagot ni Jethro.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Jet.

May lambing sa boses niya. Ngumti ako. "Oo naman."

Magkahawak kamay kami pumasok sa bahay ni Verity. Napatingin ako sa paligid, may napansin ako na picture frame sa may entrance ng bahay. Halos nakadisplay 'yon. Mostly ay picture ni Jethro at ang kapatid nito sa isa pa niyang tatay.

May isa nakakuha ng atensyon ko 'yon ay picture namin ni Verity. Magkayakap kami at parehas na nakangiti sa picture.

Lumapit ako 'don. May nakasulat pa na 'My lovely bestfriend'

Napalunok ako. Narinig ko ang sinabi ni Jet. "Hindi ka niya kinalimutan kahit na galit ka sa amin, palagi ka din niya kinukwento sa asawa niya." Saad nito.

Pinipigilan ko umiyak sa harapan ni Jet. Ngumiti lang ako at hindi nagsalita.

"Tara, naghihintay na sila 'don." Anyaya ni Jet.

Hinila niya ako sa may living area, nandon silang tatlo. Si Alethea, Verity at Jethro.

Napatingin si Verity sa kinaroroonan namin ni Jet, ngumti ito.

Lumapit siya sa amin at niyakap ako. "I miss you, bestfriend."

"I miss you too." Mahinang saad ko.

"Kids, maglalaro tayo. Tara." Anyaya ni Jet sa mga bata.

Humiwalay ito at ngumiti. "Upo tayo." Saad ni Verity.

Umupo kami at hinawakan ako sa kamay. "Gusto ko talaga magusap tayo bago kami umalis ni Jethro papuntang America." Saad niya.

"America? Di'ba nandito ang asawa mo? Bakit kayo aalis?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Doon kasi ang company ng asawa ko. Nauna na sila ng isa ko pa na anak, kami na lang ni Jethro ang hindi pa umaalis."

Tinignan ko lang siya. "Namiss kita, alam mo ba 'yon?" Mahinang tanong ko.

Ngumiti siya. "Namiss din naman kita, Thea. Palagi kita iniisip mula noon nawala ka. Iniisip ko kung okay ba ang bestfriend ko. Palagi akong nagdadasal na sana patawarin din ako ng bestfriend ko, sana ay okay ka lang kahit nasaan ka at bantayan ka niya kung nasaan ka man. Gusto ko magumpisa tayo ulit, Thea. Sana makalimutan na natin yung nakaraan, sorry sa nagawa ko."

Yung kanina na pinipigilan na iyak ko ay tuluyan na lumabas. "Oo maguumpisa tayo, gusto ko na din makalimot, at gusto ko na din sumaya."

Pinunasan niya yung luha ko. "Thank you, bestfriend."

Yumakap ako kay Verity. Namimiss ko yung bonding namin pareho.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon