Time went on. Hindi ko namalayan na naglo-look forward na ako sa pagpasok sa Advanced Math class na TTH lang ang sched. Sinipagan ko ang bawat assignment kahit pa gaano kahirap ito. Hindi ako umaabsent kasi una sa lahat, hindi naman ako absinero, at pangalawa, iyon lang din ang pagkakataon ko para masilayan si Rain.

Yup, I already know her name. Thanks to the attendance sheet na pinapafill-upan sa amin for a couple of meetings. Wala pa raw kasi ang official class record ni Sir. Kaya di pa siya nakaka-roll call. Binilang ko pa kung ilang estudyante ang nakasulat between me and her at trinace ko base sa pagakakasunod ng pagpasa nung papel. Until I was sure that her name is Rain.

Rain Isobelle Martin.

Pero siyempre, hindi ko muna in-add sa FB o kahit anong ninja moves pa diyan. Baka kasi may boyfriend. Isa pa, crush lang naman. I'm just attracted to her eyes, na para bang gusto kong titigan ako ng mga 'to. Napapadaan lang kasi ang tingin niya sa tuwing humaharap siya sa akin. You know, like I'm a total stranger. Obvious na wala siyang interes sa kabila ng kagwapuhan ko.

Sa bawat meeting namin sa Ad Math, hindi siya pumapalyang mag-joke kay Jaz, iyong kaibigan niya na katabi niya. I don't know the full name. I just hear her calling her friend Jaz. Umiiling lang si Jaz sa mga jokes ni Rain na parang sanay na ito pero ako, natatawa lagi. Pero syempre pinipigilan ko para di niya marinig. Di nga kasi ako kasali sa usapan. Mapagbiro din naman akong tao pero natatawa ako sa mga puns niya. Maybe we have the same wavelength when it comes to humor. Ano kayang mabubuong topic namin kung kami ang magkakausap?

Kausapin mo naman ako, Rain. Kahit ano lang. Nasa likod mo lang naman ako eh.

Nakapanghalumbaba ako habang nakatingin pa rin sa likod niya.

Kapag lumingon ka, akin ka. Biro ko sa loob ng isipan ko.

Hala. Lumingon nga!

Matagal na nanatili ang mga tingin niya sa mata ko na tila ba kinukuwestyon ako kung bakit nakatunganga lang ako.

"Attendance," sabi niya. Doon ko lang din napagtanto na may inilalahad pala siyang papel.

"Ah, thanks," agad kong tugon sabay kuha nung papel.

After several meetings, nakakuha na ng official class record ang instructor namin. At dahil do'n, nabago ang seating arrangement. It was done in alphabetical order. Natuwa na sana ako kasi pareho kaming M ang start ng last name ni Rain. Magkakatabi na sana kami. Magkakaroon na sana kami ng pagkakataong mag-usap. Kaso our instructor separated the girls from the boys. Kaya naman, nagkalayo tuloy kami ni Rain.

Nasa bandang likod na ako. Mabuti na lang din bleacher's type ang room kaya nasisilayan ko pa rin siya. Pero ako, di na niya masyadong nakikita. Hindi rin naman kasi siya mahilig lumingon sa likod. Diretso sa board ang tingin niya lalo na nung humihirap na ang topics.

Malamang, nakalimutan na niya agad ang mukha ko. Hindi namin kasi masyadong nagkakatagpo ang landas namin kasi mas madalas sila sa Architecture building. Isa pa, tahimik lang ako kapag nasa klase, especially kapag wala ang kabarkada ko.

Maliban sa Ad Math na klase, nakikita ko lang si Rain kapag natitiyempohan ko siyang tumatakbo sa hallway ng department namin kapag running late na siya. Medyo magulo pa ang buhok niya pero ang ganda niya pa rin.

Minsan, natitiyempohan ko rin siya sa katabing department, which is ang ChE Dept. Kaibigan niya pala si Mitch, na crush ng tropa kong si Kei.

Kay Kei ko nalaman na crush pala ni Rain si Raphael Villareal. Medyo chismoso kasi yun eh. Nalaman niya daw mula kay Mitch. Hindi ko kilala si Villareal at first, pero dahil nalaman kong long-time crush siya ni Rain, I became aware of his existence. Ang mas nakakatawa pa, kapangalan ko. My second name is Raphael.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon