Chapter 30

409 40 4
                                    

"Oy, Isobelle, mangaon na!"

Kung makakatok naman itong si Kuya sa pinto ko, parang nagpupukpok ng martilyo.

Bumangon ako sa kama ko at inayos ang buhok. I made my bed and washed my face. Tapos lumabas na ako para kumain.

Isa ito sa mga gusto ko kapag umuuwi ako, yung hindi ako namomroblema kung anong kakainin kasi pagkagising ko pa lang may nakahain na na breakfast. Yung uri ng pag-imbita lang talaga ng kuya ko ang nakakairita.

Nasa bahay ako ngayon kasi Christmas vacation. Sina Jaz at Mitch nagsiuwian din sa kanila.

"Good morning Ma, Pa. Bad morning to you, bro!" pan-iinis ko as I stuck my tongue out.

He just made a face kasi busy na siya sa pagkain. Ulam for today: paksiw,  danggit at sunny side up egg. Namiss ko 'to! Lalo pa't may fried rice!

"Wow, ang sarap naman," sabi ko sabay upo.

"Kelan ka babalik sa Cebu, nak?" tanong ni Mama.

"Pag-Monday morning na, Ma," sagot ko at pumapak na ng danggit.

It's the 4th of January. Balik eskwela na sa 7. Ang bilis ng oras kapagka bakasyon. Parang kahapon lang ako nakarating dito eh tapos in three days babalik na naman ako sa Maynila.

Simpleng salu-salo lang ang selebrasyon namin noong Christmas at New Year. Basta with the family, nagiging masaya ang kainan kahit gaano pa ito kasimple. Nagpunta dito ang ilang relatives namin.

Bumili din ako ng gifts ko para kay Mama, Papa, at kay Kuya. Pati na rin ang mga batang cousins ko binilhan ko. Mga laruan lang naman. Naalala ko na binilhan ko nga rin pala ang bestfriend ko ng tshirt.

"Pa, asa sila Archie? Wala dira?" (Pa, nasaan sila Archie? Wala diyan?) tanong ko sabay nguso sa tapat na bahay.

"Nagbakasyon sa Boracay. Mouli na man guro to ron." (Uuwi na siguro yun ngayon.)

Tch. Yung mokong na yun. Kung kelan ako umuwi, saka naman wala. Oh well. He's with his family din naman.

Nagchika lang kami ni Papa tungkol sa mga activities niya dito. Pagkatapos, nanghugas ako. Kahit andito naman si Inday Lily na tumutulong sa amin, ako pa rin nanghugas. Ayoko namang maging señorita dito no.

Bumalik ako sa kwarto ko para tingnan kung anong mga updates ng dalawang bruha kong bestfriends. Pero ang totoo, yung chat ni Blue ang una kong tiningnan.

Kelan balik mo?

Napangiti ako. Eto naman. Namimiss na ako agad. Sabagay higit one week na rin akong nandito.

Charot. Ngiting-ngiti ako para namang may kami.

Monday

What time?

Secret haha

In-exit ko yung convo at pumunta sa group chat naming tatlo ni Jaz at Mitch.

badboyslangmalakas:

Kelan kayo babalik dito
Miss ko na kau huhu

kpoplangmalakas:

Ako sa Sat na

Early naman
Ako sa Monday pa

Nag-eenjoy pa ako sa
simoy ng hangin dito
sa Cebu

badboyslangmalakas:

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon