Chapter 44

325 42 37
                                    

Nakumpleto ko na ang 240 hours ng OJT ko. Kaya naman, back to tambay mode ako sa bahay habang naghihintay ng pasukan.

Noon, hindi ako excited na magsimula ang pasukan. Pero ngayon? Hehe.

Of course, may naghihintay kaya sa aking gwapong banatero ng Maynila. Dapat yun ang tag name niya kapag sumali siya sa PBB.

Ang gwapong banatero ng Maynila! Blue!

Masyado akong namiss ni Blue kaya nakikipag-video call siya sa akin ngayon.

"Nasa bahay ka lang?" tanong ko habang kumakain ng Piattos sa kwarto. Sa laptop ako nakipag-video call kasi nakacharge pa yung phone ko.

Ganito pala ang feeling ng LDR. Kahit ang screen lang ang nagseseparate sa mukha niyo, malayo pa rin siya. He seems so near yet so far. Chos.

"Yup. Nasa couch," sagot niya. Nakahiga siya sa couch niya.

"Kelan ka matatapos sa OJT mo?" tanong ko.

"Next week."

"Mm."

"Ikaw, kelan ka babalik?"

Kailang beses na siyang nagtanong tungkol dito. Miss na miss na talaga ako neto eh.

"Next week din."

"Really?" Nagningning naman mga mata niya. "Akala ko ba a day before start of classes ka pa."

"May nagrequest kasi na a week before daw. Sabi niya siya bahala sa lahat ng pang-araw araw na gastusin ko sa buong week na iyon."

"Call," agad naman siyang nag-agree.

"Char lang! Baka sabihin pa nila pera ang habol ko sa'yo."

Tumawa naman siya sa kabilang linya. Ni hindi nakahadlang ang mahinang signal ng wifi namin sa pagpapakita ng kagwapuhan niya. Mukha niya kasi mismo, HD na.

"So, next week ka na talaga babalik?" ngiting tanong niya.

"Oo nga sabi," sabi ko at binuhos ang natitirang maliliit na Piattos sa bunganga ko para maubos.

"Ikaw lang kumain ng lahat ng iyan?" tanong niya naman.

"Oo, may kasama ba ako dito? Wala naman diba?" pamimilosopo ko.

"Ay akala ko kumain din yung babae sa likod mo."

Nandilat ako at saglit na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso. Wala namang pumunta dito! Kanina pa ako walang kasama!

"H-Hoy! Wag mo nga—"

"Hahaha!"

Tawang-tawa siya sa pantitrip niya. Gabi pa naman ngayon. Mag-aalas syete na. At matatakutin ako!

"Pasalamat ka di kita masapak diyan!" singhas ko. Ngising-ngisi pa rin siya.

"Wag mong araw-arawin ang junkfood, Rain."

"Yes, Doc," pabiro kong sagot. Health enthusiast talaga.

"Seryoso ako."

"Oo nga. Sa buong stay ko dito ngayon lang ako nag-Piattos. Pramis."

"Eh kasi kahapon, ibang junk food naman?"

"Hindi ah! Hindi ako araw-araw nagju-junk food! Tiyaka healthy kinakain ko dito. Gulay araw-araw. Isda gabi-gabi. Good for the heart."

"Ah parang ako. Good for your heart."

Pinanliitan ko siya nang mata. "Ewan ko sa'yo, Manalo."

"Bruh." Napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko. Si Archie. "Sino 'yan?" tanong niya at agad na tiningnan ang laptop.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon