Chapter 32

370 44 29
                                    

Bumalik ako sa pagkakaupo doon sa couch habang sila naman ay patuloy na nag-aasikaso ng research nila. Naglalaro pa rin ako sa phone ko pero di nawawala sa isip ko si Blue. Kaya isinandig ko ang ulo ko sa armrest ng couch. Nakaupo pa rin ako kasi ayokong humiga ng tuluyan. Hindi ko naman kasi bahay 'to.

Dinapuan ako ng antok kahit na natulog ako kanina. Siguro dahil na rin sa boredom. Si Jaz kasi, tinulugan ako eh.

Hindi ko kinaya ang antok kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong magpadala dito.

Naramdaman kong may humawak sa mga binti ko kaya napabalikwas ako bigla. Binubuhat pala ni Manalo ang mga binti ko para ilatag ito sa couch upang maging maayos ang pagkakahiga ko.

"Sorry. Just sleep some more," sabi niya nang nalamang nagising niya ako.

Agad akong napaupo nang maayos at napalingon sa lamesa niya. Wala na ang mga tao doon.

"Asan sila?" tanong ko.

"Umuwi na."

"Huh? Anong oras na ba?"

"Five na."

What? Higit dalawang oras na ako natulog dito? Ba't feeling ko ang bilis lang?

"Eh si Mitch?"

"Sabi niya hayaan ka lang daw niya dito kasi tulog ka pa. Diyan lang daw siya sa unit ni Jaz."

Taena talaga ang bruha na 'yon! Iniwan ba naman ako dito?

"A-Ah sige. Balik na ako sa kanila."

Lumakad na ako papunta sa pinto.

"Rain," tawag niya kaya napalingon ulit ako bago ko nabuksan ang door.

Matagal bago niya naipagpatuloy ang gustong sabihin.

"Bakit?" tinanong ko na.

"N-Nasaan ang pasalubong ko?"

"Ah. Naroon sa unit ni Jaz. Wait, kunin ko lang."

Tumawid na ako ng condo at kinuha ang chicharon na binili ko para kay Manalo. Nilapitan ko muna si Mitch na busy sa pinapanood sa Netflix at ni hindi man lang niya napansin ang pagpasok ko.

"Huy, ba't mo naman ako iniwan doon?" tanong ko agad.

"Ay hehe. Ang himbing kasi ng tulog mo."

"Pwede mo naman akong gisingin. Dalawang oras ako doon natulog."

"Okay lang 'yan. Haha. Kakauwi lang din namin mga 15 minutes ago."

Inirapan ko na lang siya. Buti na lang di ako nagkastiff neck sa posisyon ko kanina.

"By the way, nasabi na ba sa'yo ni Jaz ang plano naming camping?"

"Yep. Naexcite nga ako eh. Isama ko si Nikolai ha?"

"Bahala ka. Lovelife mo 'yan eh."

She just giggled. Kinikilig ang malanding bruha. I've never seen Mitch being so into a guy. Yung ganitong level. Yung palaging siya ang bukambibig. In love na nga siguro itong si Mitch. Di ko pa masyadong kilala si Nikolai. Dapat kilalanin ko yun para naman malaman ko kung sinong adonis ang bumihag sa puso nitong si Mitch. Minsan, overprotective din ako sa mga friends ko. Ayaw ko lang din kasing maranasan ni Mitch ang naranasan ni Jaz. Yung iniwan ng lalaking minahal niya ng sobra.

Bumalik ako sa condo ni Blue para ibigay sa kaniya ang chicharon. Pinagbuksan niya ako kaagad pero lumakad siya papunta sa loob kaya di ko naibigay ang chicharon doon sa pinto. Kinailangan kong sundan siya patungo sa sala niya.

"Oh, chicharon," sabi ko sabay bigay ng pasalubong ko sa kaniya. Isang malaking pack ng chicharon. "Kasing tigas ng puso mo."

Nakahanap ako ng banat. Tiningnan ko siya kaagad, kung ano bang magiging reaction niya sa banat ko. Pero wala. Walang kahit pagkabigla man lang o tawa.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon