Chapter 59

382 42 25
                                    

Blue

Kararating ko pa lang sa klase namin for Heat Transfer. Wala pa ang prof. Buti na lang. May oras pa kaming mag-ML ni Kei. Umaabot naman ang university wifi dito sa room namin ngayon. Thanks to the nearby router. Kung sinuman ang naglagay niyan malapit sa department namin, masarap sana ulam mo araw-araw.

"Ay putek na libro! Lalampa-lampa."

Napalingon ako sa bintana dahil sa narinig. May babaeng sinisisi ang librong nahulog niya dahil sa pagmamadali siguro niya. Ang libro na nga ang nahulog at nasaktan, iyon pa ang sinisi niya.

"Ugh, male-late na ako!" taranta niyang sabi habang kinukuha ang mga papel na nagkalat. Mukhang nakaipit ang mga 'yon sa libro at dahil nga nahulog 'yong libro, nagkalat ang mga papel sa sahig.

Pinagmasdan ko lang siya. Mukhang kaya niya namang pulutin ang mga 'yon kasi konti na lang ang natitira. Pagtayo niya, napasiplat siya sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin pero agad niya itong iniwas. Ni hindi tumagal ng isang segundo ang pagtama ng tingin niya sa akin, which is kinda unusual.

Lahat kasi ng babaeng napapatingin sa akin, either pinagmamasdan ako ng ilang segundo o nilalapitan ako para magtanong ng kung anu-ano.

Pumasok na ang prof namin. Kala ko pa naman di sisipot kasi first meeting pa lang. Kakasimula pa lang kasi ng second sem sa third year namin dito sa Marxon. Nagsimula nang magsalita ang prof. Di tuloy ako nakapag-ML. Mamaya na lang.

Kinabukasan, early din akong pumasok sa Advanced Math na period. Dahil kakabukas lang ng bagong sem, wala pang permanent seat. First meeting din ngayon. Balita ko, mahirap daw ang Advanced Math kaya umupo ako sa far end ng third row. Medyo masipag din naman ako mag-aral at importante para sa akin na marinig nang maayos ang discussion ng nagtuturo.

"Giiirl, kala ko late na ako." Nakuha nung babaeng kararating pa lang attention ko. Yung parehong babaeng sinisi ang libro niya kahapon. She, again, happened to meet my gaze bago siya umupo sa upuan sa harapan ko. Pero katulad kahapon, it was just a passing gaze. Nilipat na niya agad ang tingin niya sa katabi pagkaupo niya. "Terror pa naman daw ang prof," she added.

Nagkuwentuhan lang sila ng siguro'y kaibigan niya habang ako, sa di malamang dahilan, ay panay tingin sa kaniya. Wala naman kasi akong nakakakuwentuhan kasi hindi kami classmates ng kabarkada ko sa subject na 'to. Marami namang ME pero sa malayo sila nakaupo. Itong katabi ko, ME nga, pero naka-earphones lang palagi at may binabasa. Paano niya kaya nagagawang makinig ng music at magbasa? Try ko kaya minsan.

Base sa pinag-uusapan ng babae sa harap ko at ng kaibigan niya, mukhang Architecture students sila. Mixed pala ang section na 'to. Mabuti pa siguro, hindi na ako masyadong tumingin sa kanila. Baka kung sakaling lumingon, makita pa ako na nakatitig. Makakuha pa siya ng maling ideya.

Ibinaling ko ang tuon sa board nang dumating ang instructor.

"I'm Engineer Hilario Naval, PME. I'll be your instructor for this subject," anunsyo ng instructor namin habang isinusulat ang pangalan niya at ang subject ngayon which is Advanced Math.

"Hala, di pa naman ako advanced mag-isip," rinig kong sabi ng babae sa harapan. It made me chuckle. Ewan ko pero bumenta sa akin ang joke niyang 'yon.

And I guess she heard me chuckling kasi napalingon siya sa akin. I pursed my lips kasi nahiya ako slight. Nagreact kasi ako na para bang kasali ako sa kuwentuhan nila. But the girl just smiled at me at humarap na siya sa harapan.

Shit. Could she repeat that smile?

It wasn't flirty nor seductive nor mocking. In fact, it was just a half smile—one that you usually give to someone you just met. She was already charming with just a half smile. Ano pa kaya kung full na?

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon