Chapter 36

362 41 16
                                    

Panalo sina Mitch sa Research Congress. Nagbunga lahat ng sleepless nights nila. Dahil sa pagkakapanalo nila, exempted ang grupo nila Mitch sa Pre-Finals at Finals sa kani-kaniyang research subjects. Ibig sabihin, automatic approved na ang research nila at pasado na sila. At ako'y napapa-sana all na lang.

"Congrats, beh. Kakaproud naman," bati ni Jaz kay Mitch na kakauwi lang kahapon.

"Sana all champion. Haha. Congrats, girl," ngiting tugon ko.

"Thanks, guys."

Since next week na ang pre-finals, na kasabay ng birthday ko at Valentine's Day rin, kelangan ko na namang mag-aral. Kaya andito kami ngayon sa condo ni Jaz. Dito namin napagdesisyunan na magstudy. Bihira lang 'to pero talagang study ang nagagawa namin. Wala masyadong chika. Sabagay pre-finals na rin kasi. Oras na para bumawi-bawi sa mga subjects na nanganganib. Wala namang nanganganib sa mga subjects ko. Mas okay nga grades ko sa midterms ngayon kumpara noong nakaraang sem. Siguro nape-pressure lang din ako. Yung crush ko kasi running for magna. Dapat may ibubuga rin ako. Kahit di naman ako running for anything, at least walang bagsak.

Naisipan ko namang ichat si Blue para lang naman magcongrats.

Congrats! Naks champion

Hindi pa niya nase-seen kaya nagpatuloy na lang ako sa pag-aaral. Dahil medyo naimmerse ako sa notes ko, matagal din bago ko nakita ang reply ni Blue.

Thanks

Yun lang ang reply niya. Kaya di na rin ako nagtipa ng reply. Ni-like react ko lang ang thanks niya.

Tch. Palubog na nga siguro ang relasyong ito. Kapag may isang di na nagpapakita ng interes, wala nang point na ipagpatuloy.

Pero sa kaloob-looban ko, ayaw kong tumigil. Dati naman, kapag may crush ako at alam kong may ibang gusto o ibang pinopormahan o di ako type, naa-uncrush ko naman agad. Bakit dito sa kay Blue, patuloy pa rin akong umaasa?

Magtapat kaya ako, no?

Ugh. Ayoko.

Makaaral na nga lang.

~~***~~

"Happy Birthday to you. Happy birthday to you~"

Nagising ako sa kanta nina Mitch at Jaz. May pa-surprise ang mga bruha.

"Happy Birthday, girl!" bati ni Mitch na nakahawak sa cake at itinatapat sa akin.

"Happy Birthday, bebe Rain!" yakap sa akin ni Jaz.

"Thank youuu," ngiting tugon ko. Yung boses ko halatang bagong gising. It's probably still 4 or 5 in the morning. Nag-effort talaga sila na i-surprise ako at such an early time of the day.

"Mamaya na ang gift-giving. Doon na kina Jaz. Doon kasi namin muna nilagay para di mo makita dito. Haha."

"Char. Thank youuu." Niyakap ko na naman sila.

"Oh, blow mo na ang cake."

"Magwish ka, beh," pahabol ni Jaz.

Pumikit naman ako at nagwish na sana everything will stay the same. If not the same, ay better. Gusto ko lang naman na manatili ang kung anong meron ako ngayon. Mga kaibigan, loving family, consistency sa school. Hindi naman ako naghahangad ng maraming bagay.

I blew the candles. At pinicture-an pala ako netong si Jaz. Agad naman siyang nagpost. Si Mitch nung alas 12 pa pala nagpost ng mga stolen pics ko na ginawa niyang collage at ini-story niya. Imbis na mainis ako sa mga pinaglalagay niyang picture ko doon, masyado akong natouch sa ginawa nila ngayon kaya hindi na ako nagreklamo. Si Jaz naman, ang haba ng post niya. Natouch din ako kasi ngayon lang naging seryoso ang post niya sa birthday ko. Noon, puro mga kalokohan, mga dork faces ko rin, kagaya ng kay Mitch ngayon.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon