Chapter 5

515 59 15
                                    

"Rain, siya nga. Si hot-and-dashing-Engineering-guy Raphael nga ang nakatira sa unit next to mine," sabi ni Jaz habang kumakain, as if di ko nabasa ang text niya.

"Oo nga eh," na lang ang nasambit ko at napahimas sa noo ko.

Tiling-tili naman si Mitch.

"Ang galing mong pumili ng hahalikan, Rain, ah," sabi niya.

Pinanliitan ko lang siya ng mata.

"So, he's really telling the truth," sambit ni Jaz.

Mukha nga. Putek talaga.

"So mag-sosorry ka nga?"

"Yes. Yun naman talaga yung plano."

"What if sabihin mo na lang na gusto mo siya? Para magkalove life ka na!" says Mitch with her walang prenong bibig.

"Sira! Ano yun? Pinilit ko lang sarili ko dahil sa pagkakamali ko? Di ako ganun kadesperada, bruha ka."

Di naman ako ganun. Kaya nga love life kasi may love, di ba?

"Oh, chill lang. Joke lang naman."

"Basta, ipapaliwanag ko ang sarili ko," pag-uulit ko.

"Sige. Good luck."

"Oo nga. Haha."

Napatakip na lang ako sa mukha ko. Galingan mo explanation mo, Rain. I-justify mo talaga panghahalik sa taong di mo kilala.

~~***~~

Pagkapasok ko sa room, andoon na si the other Raphael sa same spot niya nung Monday. Pwede naman akong umupo somewhere else pero-

"Sit beside your partners," sabi ng prof namin pagkapasok niya. Buti na lang di ako na-late.

Kaya no choice ako kundi umupo sa tabi ni Manalo.

"Dala mo yung plan?" tanong niya pagkaupo ko.

"Yes, sir," I say to him. "Dinrawing ko pa 'yan kasi wala akong mahanap na same size nang hinihingi ni sir."

"Naks, sanaol magaling magdrawing."

Natawa naman ako nang bahagya sa sanaol niya.

"Magaling ka din namang magdrawing kasi engineering ka."

"Well, that's kinda a misconception. Marunong lang ako. Pero di magaling."

"Sus, pahumble ka pa."

"Hindi ako pa-humble. Humble lang."

Ngumiwi lang ako. Naninibago ako sa sarili ko. Ba't parang close na kami? At di ako naiilang? Dahil ba cool lang din pakikitungo niya?

Akala ko kasi hahalukipkip lang ako sa gilid dahil sa hiya kapag kinausap niya ako. Pero okay naman kami.

"May Safety Management din pala kayo?" tanong niya.

"Actually, wala siya sa original curriculum pero the department added a unit for it."

Tumango-tango siya.

Naisipan kong simulan ang pagpapaliwanag at pagsosorry since lumabas naman si Prof at busy sa kakachika ang iba kong classmates.

"Nga pala, sorry dun sa ano..."

Tumingin siya sa akin na nakataas ang dalawang kilay. Para bang inaasahan na niya ang sunod kong sasabihin.

"Doon sa nangyari."

I did not specify na kiss. Kasi baka may makarinig.

"What do you mean?"

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon