Chapter 11

411 47 14
                                    

Excuse meeeee?!
Hindi ako tumitig sa'yo, FYI!
Feeling!

Sarap sapakin ng lalaking 'to! Halos sumakit daliri ko habang nagtatype! With much force kasi.

Inilagay ko ang mga gamit ko sa side table. Hindi pa siya nagreply. Malamang nagdadrive pa yun pauwi.

I washed up and changed into some pajamas. Chineck ko ang phone ko kung nagreply na ba ang mokong pero wala pa.

Nakapasok kaya siya sa condo niya? I-chat ko kaya? Baka magyabang na naman yun na concerned ako sa kaniya.

Of course, it is my concern. Pag di siya nakapasok at di niya maipatuloy ang pag-aaral niya at bumagsak pa siya sa test niya bukas, kasalanan ko pa di ba? So, malamang concern ko yun!

Mabuti na lang wala pa kaming exam bukas. These plates are the only ones that are making me busy.

Sa Monday pa ang prelims namin. Bakit kaya mayroon silang exam bukas eh di pa naman Prelims week? Baka may advanced talaga silang prof na gustong maiba. Sabagay mas mabuti nga siguro yun kaysa ibagsak lahat sa two-day prelims.

Nang tumunog ang phone ko, di ko alam pero atat kong kinuha ito.

I'm home po.

Po? Po-tek? Jk.

Gumagalang na nga
minumura pa rin.

Nang-aasar lang.
Sorry na.
So, nakapasok ka na sa condo?

I'm home nga di ba?
Tingin mo?

Sarcastic talaga. Kainis.

Malay ko ba.
Baka home mo rin kotse mo.

May point. Congrats.

Lol. Tulog na ako.
Aral ka na.
Thank you.

Dalwa na utang mo sa akin.
Tatlo pala. KKK.
Kiss.
Kape.
Kigwa.

"Pfft."

Di ko mapigilang di matawa sa kigwa niya.

Paano ko naman naging
utang ang kigwa?
Do you even know
what that means?

Oo naman.
Joke lang yan.
Di ako makamove-on.
Tawang-tawa pa rin ako.
Ayos din expression mo no?

Ewan ko sa'yo.
Mag-aral ka na diyan.

Pero seryoso.
May utang ka sa aking kape.

Ay kala ko libre yun.
Pero sige.
Pag may extra pera ako,
libre kitang starbucks.
Oh, mahal yun ha?

Nice ka.
Eh pano yung kiss?

Bigla akong natigilan sa pagtatype. Di niya ba ako titigilan sa pagkakamali kong iyon?

Di ko naman sinabing
kiss din ang kapalit.
Wag assuming. Bad 'yan.

Tch.
As if namang nag-assume ako. 🙄
Wag feeling. Bad din 'yan.

Eh di pareho tayong bad.

Lol. Tulog na ako. Bye.

Kulit niya. Makatulog na nga.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon